10,000 Pinoy sa US baka ma-deport

Inquirer Libre - - NEWS - Dona Z. Pazzibugan

TUTULUNGAN ng pamahalaan ng Pilipinas ang may 10,000 Pilipino na maaaring ma- deport o pabalikin sa bansa matapos bawiin ng administrasyong Trump ang programang nagpapahintulot sa mga anak ng mga undocumented immigrant na manatili nang legal sa Estados Unidos, ayon sa mga opisyal noong Miyerkules.

Ayon kay Patrick Chuasoto, Charge d’Affaires ng Embahada ng Pilipinas sa Washington, sa 3.4 milyong Pilipino na nasa Estados Unidos, mayroong 310,000 ang undocumented o iligal na nananatili doon.

Sinabi naman ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na gagamitin ang pondo na nakalaan para sa pagtulong sa mga Pilipinong nasa abroad sa mga tatamaan ng nasabing pagbawi ng Daca ( Deferred Action for Childhood Arrivals).

Dinagdag ni Cayetano na mag- aalok ng “limited” na pagtulong ang Department of Foreign Affairs sam ga maapektuhan. Kailangan nilang “prepare for the worst,” wika niya.

Ang mga migrante ay lumaki sa Amerika, nagtratrabaho o pumapasok sa mga paaralan doon. Ang iba naman ay nagpapatakbo ng negosyo o mayroon nang pamilya, habang ang iba naman ay wala nang naaalala sa bansa kung saan sila pinanganak.

“We ar e Americans in heart, mind and soul. We just don’t have the correct documentation that states we’re American,” wika ni Jose Rivas, 27, na nag-aaral ng master’s in counseling sa University of Wyoming.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.