Pamilya ng tinedyer na pinatay ng pulis hinarap ni DU30 sa Palasyo

Inquirer Libre - - NEWS - Philip C. Tubeza

HINARAP ni Pangulong Duterte sa Malacañang kahapon ang pamilya ni Carl Angelo Arnaiz, ang 19- taong- gulang na dating mag- aaral ng University of the Philippines na pinatay ng pulisya sa paratang na nangholdap ito ng taxi.

Sa talumpati niya sa ika- 60 anibersaryo ng Social Security System ( SSS) sa Quezon City, sinabi ni G. Duterte: “You do not kill defenseless persons. I’m sorry but I will pursue the case against the police and, if need be, they should go to jail.”

Pagpapatuloy pa niya: “I did not order you (policemen) to kill children or the elderly, or even the enemy on bended knees. That is not the norm or the rule of a democracy.”

Mula sa SSS, tumungo siya sa Malago Clubhouse sa Malacañang Park upang harapin ang mga Arnaiz.

Tumagal nang 20 minuto ang pulong na hiniling ng pamilya.

Dumalo rin sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.