TNT, SMB nagsipagwagi

Inquirer Libre - - NEWS - AP

HOUSTON — Pumayag si Tilman Fertitta, kilalang may-ari ng restaurant at casino na bilhin ang Houston Rockets kay Leslie Alexander sa halagang $2.2 bilyon Martes.

Hinigitan ng presyo ang $ 2 bilyon binayad ni Steve Ballmer upang makuha ang Los Angeles Clippers noong 2014.

Kinumpirma ng tagaloob na tumangging magpakilala ang bentahan.

Kailangang aprubahan ng NBA Board of Governors ang bentahan.Kasama sa usapan ang Clutch City Sports and Entertainment na humahawak ng mga konsyerto at iba’t-ibang mga palabas sa Toyota Center.

“I am truly honored to have been chosen as the next owner of the Houston Rockets. This is a life-long dream come true,” sabi ni Fertitta.. “Leslie Alexander has been one of the best owners in all of sports, and I thank him immensely for this opportunity ... I am overwhelmed with emotion to have this opportunity in my beloved city of Houston.”

Nag-iisang may-ari ng Rockets si Fertitta na siya ring may-ari ng Landry’s restaurant chain at ng Golden Nugget casino and hotels. Isinilang sa Galveston, Texas si Fertitta na 60-taon gulang.

Ang bilyonaryo na batang- Houston ay chair ng board of regents ng University of Houston System at star ng reality show na “Billion Dollar Buyer” sa CNBC.

“I am excited to welcome and pass the torch to Tilman,” wika ni Alexander.. “He is a Houstonian, business leader and committed to the success and excellence of the Rockets both on and off the basketball court. I have personally known Tilman for over 24 years and don’t think I could have found anyone more capable of continuing the winning tradition of our Houston Rockets.”

May back- to- back titles ang Houston noong 1994-95 season. Pinagbidahan nina Hakeem Olajuwon at Clyde Drexler ang koponan.

AUGUST DELA CRUZ

LUSOT INAABOT ni Moala Tautuaa ng TNT KaTropa ang bola samantalang nasa likod si Allen Durham ng Meralco Bolts Miyerkules sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.Pinabagsak ng KaTropa ang Bolts, 113-107 upang makuha ang ika-limang panalo sa walong laban. Bagsak sa 5-2 marka ang Meralco. Sa ikalawang sagupaan, bumangon ang San Miguel Beer matapos talunin ang Rain or Shine,103-96.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.