Paolo Duterte idinawit ni Sen. Trillanes sa Chinese triad na sangkot daw sa kriminalidad

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Christine O. Avendaño @10avendanoINQ

ISANG tattoo ng dragon. Mga larawan kasama ang tao na nangasiwa sa pagpasok ng bawal na gamot mula sa bansang Tsina. Mga account sa banko.

Ito ang mga binanggit ni Sen. Antonio Trillanes IV sa ikapitong pagdinig ng Senado hinggil sa P6.4 bilyong “shabu” (crystal meth) shipment mula sa Tsina upang tumbukin na dawit si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa smuggling.

Itinanggi ng vice mayor, na anak ni Pangulong Duterte, ang mga paratang.

Pinaratangan ni Trillanes ang nakababatang Duterte bilang kasapi ng isang Chinese drug triad at tinuro ang umano’y dragon tattoo sa likod bilang patunay.

Inamin ng vice mayor ang pagkakaroon ng tattoo sa kanyang likod ngunit hindi ito pumayag na ipakita nang hilingin ni Trillanes at binanggit ang kanyang right to privacy.

“No way!” sagot ng vice may- or kay Trillanes nang tanungin ito kung handa ba itong pakuhanan ng larawan ang kanyang tattoo sa harap ng Senate sergeant-at-arms upang maipadala sa US Drug Enforcement Agency para sa decoding.

“The tattoo is physical evidence of his membership in the triad,” wika ng senador.

Sinabi ni Trillanes na ang triad na kaniyang binabanggit ay nakabase sa China, Macau at Hong Kong, at sangkot sa mga gawaing kriminal katulad ng pag-aangkat ng bawal na gamot.

Sinabi niya sa mga reporter na ipinakita ng nakuha niyang impormasyon mula sa ibang bansa na kasapi sa triad ang nakababatang Duterte at ang inamin na nito bilang kaniyang kaibigan na si Charlie Tan.

LYN RILLON

MAGBAYAW. Humarap na sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte (kaliwa) at bayaw na si Mans Carpio sa pagdinig sa Senado kahapon kaugnay ng pagpupuslit ng P6.4-bilyong halaga ng shabu sa Davao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.