Singil sa kuryente tataas dahil sa mahinang piso

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ronnel W. Domingo

MAGBABAYAD ng karagdagang 86.42 sentimo bawat kilowatt kada oras ang mga gumagamit ng kuryente mula sa Manila Electric Co. sa darating na singilan ng buwan ng Setyembre sanhi ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbagsak ng piso laban sa dolyar.

Sinabi ng Meralco sa isang pahayag na ngayong Setyembre nag-“normalize” ang singil sa kuryente dahil nakumpleto na nito ang P6.9- bilyong refund sa mga tao na pinatupad nito sa loob ng tatlong buwan.

Sinabi rin nito na ang pagtaas ngayong buwan ang nagbunsod sa pagtaas ng singil mula sa P8.3849 sa P9.2491 per kwh sa buwan ng Agosto.

Tumaas din ang generation charge ng 56.15 sentimo kada kwh sa P4.537 mula sa P3.976 noong isang buwan.

Ang adjustment sa generation charge, ayon sa Meralco, ay sanhi ng mataas na halaga sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan tumaas ang presyo nang P1.7263 per kwh bunsod ng demand ng kuryente sa Luzon.

“Despite the weakening of the peso, the cost of power sourced from independent power producers decreased by [11.17 centavos] per kwh due to improved dispatch of First Gas- Sta. Rita, after undergoing scheduled maintenance in the preceding month,” ayon sa Meralco.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.