Kings paborito laban sa Elite; Aces kontra Batang Pier

Inquirer Libre - - SPORTS -

LIMANG araw matapos ang nakawiwiling panalo sa harap ng umaapaw na miron, balikaksyon ang Barangay Ginebra Biyernes sa PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena.

Pasok na sa playoffs ang Kings ngunit kailangan nilang panatili- hin ang init ng kampanya kontra Blackwater Elite 7 p.m.

Binigo ng Ginebra ang Star Hotshots sa overtime, 105-101 noong nakaraang Linggo ngunit hindi madaling talunin ang Elite na napanalunan ang apat sa kanilang huling limang laro sa tulong ni Henry Walker.

Maghaharap sa unang laro ang Alaska at Globalport 4:15 p. m. Pinutol ng Aces ang 14game losing streak na nagsimula noong Commissioner’s Cup sa pamamagitan ng panalo kontra San Miguel Beer.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.