Taxi driver sinabing ‘scripted’ ang pagpatay ng pulis kay Carl Arnaiz

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Jhesset O. Enano @JhessetEnanoINQ

KINUMPIRMA ng taxi driver na si Tomas Bagcal noong Linggo na ang 19-taong-gulang na si Carl Angelo Arnaiz ang nangholdap sa kanya sa Caloocan City noong nagdaang buwan, ngunit pinasinungalingan ang kuwento ng pulisya na may engkwentro, tinawag itong “scripted.”

Nasa pangangalaga ngayon ng Rise Up for Life and for Rights ang 54-taong-gulang na drayber, na humarap sa isang press conference sa Quezon City kung saan niya sinabing nahuli niya si Arnaiz sa tulong ng mga mamamayan na nambugbog dito.

Buhay pa umano ang binata nang dalhin niya sa himpilan ng pulisya sa 9th Avenue. Kalaunan, sinabi ni Bagcal, pinasunod siya ng pulis sa taxi niya sa C-3 Road.

“May naglakad sa unahan namin, pagkatapos may narinig akong putok ng baril...Pagkatapos noon, patay na ang nangholdap sa akin. Pero iyong paraan ng pagpatay mukhang staged o scripted,” ani Bagcal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.