Trillanes lalagda sa bank waiver, hinamon si DU30

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Christine O. Avendaño

MAKARAANG paratangan ni Pangulong Duterte ng pagkakaroon ng mga foreign bank account, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV noong Linggo na magpapakita siya sa midya ngayong araw ng isang waiver na magpapahintulot sa Office of the Ombudsman at sa Anti-Money Laundering Council na silipin ang mga account na tinutukoy ng pinuno.

Binansagan naman ng sena- dor bilang “fake news” ang paratang ng Pangulo na mayroon itong mga deposito sa ibayongdagat, kabilangang Hong Kong, Australia at Estados Unidos.

Hinamon din ni Trillanes si G. Duterte at anak nitong si Davao City Vice Mayor na maglabas din ng kani-kanilang bank waiver upang magkaalaman na kung sino ang totoong may itinatagong yaman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.