Selyo para sa ‘Buwan ng mga Guro’ mabibili na

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

INILUNSAD ng Philippine Postal Corp. ( PHLPost) at ng Department of Education (DepEd) ang isang- buwang pagdiriwang ng ng National Teachers Month, tampok ang espesyal na cartoonstyle commemorative stamp na naglalarawan ng kakaibang gampanin at serbisyong handog ng mga guro sa pag- unlad ng bansa.

Ginanap sa gusali Department of Education ( DepEd) sa Pasig City ang ceremonial unveiling ng selyo upang parangalan ang mga gurong naglilingkod sa mga paaralan sa bansa.

“Through stamps, we pay tribute to our beloved and hardworking teachers who play an

important role in shaping the future of the students under their guidance and care,” pahayag ni Postmaster General Joel Otarra.

Ang cartoon- style stamps ay idinisenyo ni PHLPost in- house creative artist Rodine Teodoro tampok ang masaya at i k inararangal na mga Pilipinong guro at , mga mag- aaral na nakadamit ng mga iba’t ibang klase ng uniporme ng mga piling propesyon sa bansa.

Makikita rin sa selyo ang logo at teksto ng My Teacher, My Hero. Nakasentro sa taong ito ang tema na “Gurong Pilipino, Kaakbay sa Progreso.”

Nag-imprenta ang PHLPost ng 80,000 kopya ng selyo na may sukat na 40mm x 30mm at mabibili sa halagang P12 bawat isa. Naglabas rin ng limitadong kopya ng souvenir first day cover envelope an gP H LP os tn a mabibili sa Post Shop, Manila Central Post Office, Door 203, Liwasang Bonifacio, Manila.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 527-0132.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.