Carmma, Selda, Makabayan magma-martsa sa ‘Libingan’

Inquirer Libre - - NEWS - Matthew Re y s i o - C r u z , Jaymee T. Gamil

MAGMAMARTSA ngayong araw sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang mga militanteng pangkat at mga mambabatas, mga na- bypass na nominado sa Gabinete at mga biktima ng batas militar hindi upang gunitain ang ika100 anibersaryo ng pagsilang sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, kundi upang hilingin ang pagsasauli ng nakaw na yaman at tutulan ang anumang kasunduang immunity sa pagitan ng mga Marcos at ng administrasyong Duterte.

Sinabi ni Bonifacio Ilagan, lead convener ng Campaign Against the Return of the Marcoses to Malacanang ( Carmma), na minadali ni Pangulong Duterte ang rehabilitasyong pampulitika ng pamilya Marcos at “opened the doors wide open for the resurrection of the Marcosian ideology.”

“Clearly, Mr. Duterte is fascinated with [Marcos’] style of governance, which i s anchored on right- wing populism and absolute reliance on a strongman—dictator even,” ani Ilagan sa INQUIRER.

Nauna nang hinayag ng Malacañang ang Set. 11 bilang pista- opisyal sa Ilocos Norte, tinukoy ang pamana ni Marcos at bilang “World War II veteran, distinguished legislator and former President.”

“Duterte is reinforcing blind regionalism and blind loyalty which has long been a curse on our culture,” ani Ilagan. “Now it is a holiday in Ilocos Norte. Then it will be a holiday for the whole Philippines.”

Makakasama ng Carmma sa martsa ang Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda), mga makakaliwang mambabatas ng Makabayan bloc, dating Sen. Rene Saguisag at mga dating kalihim ng Gabinete na sina Judy Taguiwalo at Rafael Mariano.

Sasabayan ng Carmma at Selda ng kilos-protesta sa sementeryo ang pagdiriwang ng pamilya Marcos sa loob.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.