Saksi sa kaso ni Kian nasa simbahan pa rin

Inquirer Libre - - NEWS - MRC, MR

NABALOT sa tensyon ang San Roque Cathedral sa Caloocan City noong Sabado nang hilingin ng ama ng isang batang nakasaksi sa pagpatay ng pulis sa 17taong-gulang na si Kian Loyd delos Santos na kuhanin ang anak sa pangangalaga ng obispo at ilipat sa pulisya.

Ngunit sa huli, nagpasya ang ama na samahan ang mga bata sa ilalim ng pangangalaga ni Bishop Pablo Virgilio David, na kumupkop na rin sa apat na kapatid ng dalawang saksi.

Hinayag ni David ang resolusyon sa isang press briefing Linggo ng madaling- araw makaraan ang isang araw na pagtatalo sa ama, sa mga opisyal ng Philippine National Police Criminal Investigation Group (CIDG), at mga kinatawan mula sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Commission on Human Rights (CHR).

Napasailalim sa pangangalaga ng Simbahan ang mga batang saksi makaraang magsalaysay sa Senado noong nagdaang linggo.

Tinanggihan ng mga bata at ng ina nila, isang migranteng manggagawa sa Oman, na mailipat sa pangangalaga ng pulisya.

Dumating ang CHR upang mapahupa ang tensyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.