Callera, Janda, Acierto, Evangelista kumislap sa ASEAN Midget

Inquirer Libre - - SPORTS -

MABUNYI ang kampanya ng Philippine Swimming League ( PSL) sa simula ng 23rd SSC Open Invitational Midget Swimming Championship kamakailan sa Singapore Swimming Club.

Nagpasiklab ang mga batang manlalangoy matapos nilang languyin ang limang ginto, apat pilak at tatlong tanso.

Umani ng paghanga si Richelle Anne Callera ng St. John of Beverley of Novaliches matapos gumawa ng bagong marka sa girls’ 7-year 25-meter butterfly.

Naorasan si Callera ng 16.52 segundo na mas mabilis sa dalawang taon marka ni Singaporean Viviene Chow na 17.82 segundo noong 2015. Binago rin ni Callera ang marka ng 25m freestyle sa oras na 16.83 segundo.

Hindi na bago kay Callera ang kabunyian. Siya ay napiling Most Outstanding Swimmer sa nakaraang Singapore Island Country Club Swimming International Championship na kung saan ay kinuha ng PSL ang pangkalahatang titulo.

Nagsipagwagi rin ng ginto sina Aishel Cid Evangelista ng West Manila Christian School,

Master Charles Janda at Kiara Acierto.

Numero uno si Evangelista sa boys’ 7- year 25m freestyle sa oras na 16.44 seconds. Namayani si Janda ng Bataan sa boys’ 8-year 25m backstroke sa oras na 19.23 segundo samantalang dinomina ni Acierto ang girls’ 7- year 25m backstroke sa oras na 21.18 segundo.

Kinuha rin ni Evangelista ng ang pilak sa boys’ 7- year 25m backstroke ( 19.99 segundo) samantalang pilak rin ang binulsa ni Ruth Denise Sula sa girls’ 9years 25m butterfly ( 16.76 segundo).

Medalyang tanso ang mga kinuha nina Acierto sa 25m butterfly ( 19.76), Janda sa 25m butterfly ( 16.71) at ang girls’ medley relay nina Callera, Sula, Heleina Maria Glorioso at Ckryztyn Leonardo (1:27.96).

She’s [Callera] a Jasmine Mojdeh in the making. She’s improving a lot from time to time. Breaking records in a strong field like this is no fluke. We’re so proud of her,’’ wika ni PSL President Susan Papa.

CONTRIBUTED PHOTO

SWIMMING ACES MAGKASAMA ang mga Most Outstanding Swimmer ng 7 years-old age category ng ASEAN Midget Swimming Championships sa Singapore Swimming Club na sina Raine Callera at Aishel Cid Evangelista. Nasa larawan din (mula kaliwa) sina Philippine Swimming League secretary general Dr. Maria Susan Benasa, PSL President at Asian Gamer Susan Papa, coach Cezar Castro at coach Ariel Compas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.