Trillanes lumagda sa bank waiver at hinamon si DU30 na gumaya

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Nina Christine O. Avendaño at Philip C. Tubeza

PAGKAKATAON naman na ni Pangulong Duterte upang lumagda sa isang waiver para sa mga account niya sa bangko na sinasabing naglaman ng ilang bilyong piso.

Ito ang hamon ni Sen. Antonio Trillanes IV kahapon makaraan niyang lagdaan ang mga waiver sa bank secrecy law para sa 12 account sa bangko sa ibayong dagat na pag-aari umano niya, ayon kay G. Duterte.

“If you are brave, if you are not corrupt, sign a waiver like I did today. Sign a waiver addressed to the Anti-Money Laundering Council (AMLC) and the Ombudsman,” hamon ni Trillanes sa Pangulo.

Pagpapatuoy ng senador: “I will not destroy you with fabricated information but I will destroy you with the truth.”

Sinabi rin niyang magsasampa siya ng kasong libelo laban kina Erwin Tulfo, Assistant Press Secretary Mocha Uson at Ben Tesiorna, may-ari ng Davao Breaking News, dahil sa paglalathala ng mga “fake” na account sa bangko.

Sinabing “fabricated and manufactured” ang 12 account, peke rin umano ang mga bangkong nabanggit.

Ipinakita niyang peke ang dalawa sa 12 account—ang sa Nova Scotia Bank sa Canada, at Hongkong-Shanghai Bank sa Singapore, kung saan mayroon umano siyang deposito.

Nitong Pebrero lang, ipinaalala ni Trillanes sa Pangulo ang pangako nito sa kampanya na isasapubliko ang lahat ng naging transaksyon sa tatlo nitong account sa bangko, na sinabi niyang naglaman ng P2 bilyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.