DNA test kay ‘Kulot’ negatibo

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Jodee A. Agoncillo

HINDI makapaniwala ang ama ng 14- taong- gulang na binatilyong si Reynaldo “Kulot” de Guzman, na natagpuan ang bangkay na lumulutang sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija, sa resulta ng inilabas na DNA test ng Philippine National Police sa Cainta, Rizal.

Sinabi ni Eduardo Gabriel na nagdududa siya sa resulta ng DNA test na lumabas noong Lunes, na nagsabing hindi tugma ang DNA na nakuha sa bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija at sa mga magulang na sina Lina de Guzman and Eduardo Gabriel.

Dinala ang bangkay sa morge malapit sa basketball court sa AnakPawis II sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal, noong Huwebes.

Kinila lani Gabrie lang bangkay batay sa mga marka sa tenga at leeg. Humingi siya ng kopya ng resulta ng DNA upang maipakita ng pamilya sa Public Attorney’s Office.

Nais din niya ng panibagong DNA test sapagkat hindi pinaniniwalaan ng pamilya ang resulta ng una.

Sa panayam ng INQUIRER, sinabi ni Eduardo Gabriel Jr., ang bunsong kapatid ni Kulot na hindi siya makapaniwalang bangkay ng kapatid ang nakaburol dahil sa maliit na pangangatawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.