HALIK

Inquirer Libre - - SPORTS - Inquirer wires

ULAD ng inaasahan, dinomina ni Rafael Nadal si South African Kevin Anderson, 6-3, 6-3, 6-4 upang makuha ang ikatlong US Open at ika-16 Grand Slam Linggo sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York.

Si Nadal ang unang manlalaro mula noong 2000 na nakaharap sa Grand Slam final ang kalaban na nasa labas ng Top 20. Si Anderson ay may ranggong 32 sa mundo ngunit inaasahang aakyat sa Top 15 matapos ang US Open.

“It’s great to sit back at the end of the week and see the jump that I have made and the spots I have been able to climb, something I can be very proud of,” wika ni Anderson.

Apat beses sinira ni Nadal ang serve ni Anderson. Hindi rin naharap sa break point si Nadal na 16 for 16 pag umaatake sa net.

Samantala, napanalunan ni Martina Hingis ang ika- 25 Grand Slam matapos makipagtambalan kay Chan Yung- Jan. Tinalo nina Hingis sina Lucie Hradecka at Katerina Siniakova, 6- 3, 6- 2 sa women’s doubles final.

Ito ang ika- 13 titulo ni Hingis sa Grand Slam doubles. May lima siyang kampeonato sa singles at pito sa mixed doubles.

Kinuha rin ni Hingis ang mixed doubles katambalsi Jamie Murray noong Sabado.

Kasapi ng International Tennis Hall of Fame si Hingis na aakyat sa No. 2 ng WTA doubles rankings. HINAHALIKAN nina Martina Hingis, ng Switzerland (kaliwa) at Chan Yung-Jan ng Taiwan tropeo na simbolo ng kanilang pagiging kampeon ng women’s doubles sa US Open Linggo sa New York.

AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.