40 araw ng panalangin para sa mga namatay sa ‘war on drugs’

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Julie M. Aurelio @JMAurelioINQ

HINIMOK ng mga obispong Katoliko noong Martes ang mga nananampalataya na mag-alay ng panalangin at magtulos ng kandila nang 40 araw para sa mga biktima ng karahasan sa Marawi City at ng digmaan ni Pangulong Duterte laban sa bawal na gamot.

Sa pastoral statement na “Lord heal our land,” naghayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng silakbo sa pagkamatay ng tatlong tinedyer nitong nagdaang mga linggo, mga biktima ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa bawal na gamot at krimen.

“We are appalled by the remorselessness by which even the young are executed,” anang mga obispo sa pahayag na nilagdaan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng CBCP.

Tinukoy ng mga obispo ang pagpatay kina Kian Loyd delos Santos, 17, noong Agosto 16; Carl Angelo Arnaiz, 19, noong Agosto 18, at Reynaldo de Guzman, 14, huling nakitang kasama ni Arnaiz, na malamang pinatay rin noong Agosto 18.

Pulis-Caloocan ang pumatay kina Delos Santos at Arnaiz.

“The relentless and bloody campaign against drugs that shows no sign of abating impels us your bishops to declare: In the name of God, stop the killings! May the justice of God come upon those responsible for the killings!” anang CBCP.

Nanawagan sila ng panalangin mula Set. 23 hanggang Nob. 1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.