P1,000 badyet lang nilaan ng Kamara sa CHR

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Vince F. Nonato

SA BOTONG 119-32, inaprubahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang P1,000 lang na badyet para sa Commission on Human Rights para sa 2018.

Mula sa minungkahi ng Department of Budget and Management na 10-porsyentong tapyas sa badyet sa P649.48 milyon, kinatigan ng kapulungan ang banta ni Speaker Pantaleon Alvarez na pagkaltas nang malaki sa takdang pondo ng ahensya.

Ipinagtanggol naman ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang CHR.

“It should not be abolished, it should be strengthened. We’re now passing through a very narrow path. We should all defend democracy,” pinaliwanag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.