‘Catch All’ huhuli sa mga pasaway na motorista sa Edsa

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Jovic Yee

SISIMULAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na buwan ang pilot- test ng likhang-Pilipinong teknolohiyang makatutulong na mapahusay ang paghuli sa mga pasaway na motorista at mabawasan ang insidente ng pangongotong.

Sinabi ni MMDA Chair Danilo Lim noong Martes na katuwang ng ahensya ang Department of Science and Technology (DOST) upang subukan ang “Catch-All” na ginawa ng mga mag- aaral at enhinyero ng De La Salle University sa pamamagitan ng P4- milyong pondo mula sa DOST.

Pormal na tinatawag na Contactless Apprehension of Traffic Violators on a 24-Hour Basis and All Vehicle Direction System, gagamit ang Catch-All ng artificial intelligence upang makahuli ng pasaway ng motorista.

Kabilang sa mga paglabag sa trapiko na matutukoy ng software sa ngayon ang number coding scheme, speeding, running a red light at swerving.

Sinabi ni Lim na patitibayin ng bagong teknolohiya ang pagpapatupad ng MMDA sa no-contact apprehension policy, lalo na at nangangailangan pa ang ahensya ng karagdagang tauhan na magbabantay sa bidyo mula sa network nito ng mga closed circuit television camera sa mga pangunahing lansangan.

Aniya, saklaw ng pilot-test ang “whole stretch of Edsa.” May ilang outdoor LED screen din na agad magpapakita ng paglabag ng motorista.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.