Indians walang habag, umakyat sa 19- 0

Inquirer Libre - - SPORTS -

CLEVELAND — Matigas ang puso at hindi kayang talunin sa kasalukuyan. Ito ang Cleveland Indians na dinomina ang Detroit Tigers, 11- 0 Lunes sa Major League Baseball.

Pinahaba ng Indians ang kanilang winning streak sa 19 laro na pinakamahabang winning streak mula noong 2002.

Lumapit din ang Indians sa markang hindi pa nagagalaw saloob ng 101 taon. May 26game winning streak ang New York Giants noong 2016.

Isang triple ang ginawa ni Francisco Lindor sa second imnning laban sa baguhang si Myles Jaye upang pahabain ng Indians ang listahan ng mga biktima.

Pinoste ng mga kampeon mula American League ang kabuuang 132-32 agwat.

Pinatalsik ni Carlos Carrasco (15-6) ang siyam Tigers sa loob ng anim innings, may apat RBIs si Lindor samantalang may tworun homer si Jose Ramirez.

Samantala sa New York, pinabagsak ng Yankees ang Tampa Bay Rays, 5- 1. Mula Florida ay kailangang ilipat ang laban sa Citi Field dahil sa Hurricane Irma.

Lumapit ang Yankees sa tatlong laro sa nangungunang Boston sa AL East. Angat ng apat laro ang New York sa Minnesota para sa numero unong wild card.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.