Hamon ni Trillanes ’di kinagat ni DU30

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - LBS, JRU

HINDI kinagat ni Pangulong Duterte ang hamon ni Sen. Antonio Trillanes IV na lumagda sa isang waiver upang mailabas ang mga detalye ng mga account niya sa bangko at pasinungalingan ang paratang na nagkamal siya ng yamang hindi hayag.

“It’s like this. If Trillanes wants to find something of fault with me, tell him, ‘ Go somewhere else and fly a kite,’” sinabi ng Pangulo sa mga reporter Martes ng gabi.

“In the same manner that if he wants to get evidence, do not get it from my mouth. You must be stupid, even if it is true or false. Why would I give you the pleasure?” dinagdag niya.

Pi n a r a t a n g a n ni y a ang senador ng pagkakaroon ng mga account sa bangko sa ibayongdagat kaya naglabas si Trillanes ng waiver niya upang mabusisi ang nilabas ng Pangulo.

Ngunit inulit ni Trillanes ang paratang kay G. Duterte ng pagkakaroon ng ilang bilyong pisong deposito sa tatlong account at hinamon ang Pangulo na ipabusisi ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.