Eagles, Tams walang habag

Inquirer Libre - - SPORTS - Ni Cedelf P. Tupas @cedelfptINQ

PINAKITA ni Ateneo guard Tyler Tio ang kanyang husay upang tulungan ang Ateneo Eagles na tambakan ang UP Maroons, 92- 71 Miyerkules sa UAAP basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi nakalaro si Tio noong nakaraang season dahil sa problema sa pasaporte ngunit hindi binigo ang mga miron matapos gumawa ng 14 puntos sa loob ng 11 minuto. Walang mintis si Tio sa anim tira mula sa field.

Sa ikalawang laro, pinaglaruan ng Far Eastern University ang University of the East, 90-83. Ito ang unang panalo ng Tamaraws na yumuko kontra kampeong DLSU noong Linggo. Bagsak sa 0-2 ang Warriors. Mainit ang simula ng Tamaraws na kinuha ang 30- 11 agwat. Matibay ang hawak ng FEU sa liderato hanggang sa katapusan ng laro.

Muling nanguna sa Eagles si Thirdy Ravena na may 16 puntos.

“Hats off to the guys who stepped up for us,” sabi ni Ateneo assistant coach Sandy Ares- pacochaga. “One of the things that coach Tab said at halftime was we needed to play better defense and take care of the ball and we saw some improvement in the second half.”

SHERWIN VARDELEON

ATAKE NILUSUTAN ni Rafael Verano ng Ateneo Blue Eagles si Noah Webb ng UP Maroons sa UAAP basketball tournament Miyerkules. Pinatahimik ng Blue Eagles ang Maroons 92-71

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.