AFP tiniyak na wala silang nababantayang tangkang destabilisasyon laban kay DU30

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Christine O. Avendaño @10avendanoINQ

WALANG nakita ang militar na hakbang ng destabilisasyon ng sinumang politiko laban sa administrasyong Duterte at nilinis pa si Sen. Antonio Trillanes IV sa anumang pagtatangka.

Hinayag ito ni Armed Forces chief of staff Gen. Eduardo Año kahapon bilang tugon sa paglilinaw na hiningi ni Trillanes sa pagdinig ng Senate finance subcommittee para sa sa panukalang P195-bilyong badyet ng Department of National Defense (DND).

Tinanong ni Trillanes si Año sapagkat nagkakalat umano si retired Army general Joselito Kakilala ng ulat na isang tanyag na politiko ang kumukuha ng mga kasapi ng Philippine Military Academy Class 2006 para sa isang tangkang kudeta laban sa pamahalaan.

Sinabi ni Año: “So far we have not moniitored any recruitment activity within the organization and we have not seen any cause for dissatisfaction, demoralization or whatever purpose that it might serve...So far, we have not monitored any destabilization move of any politician or personalities.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.