Lord,

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

akala ko noon kapag may pera na ako at nabibili ko na ang mga bagay na gusto ko ay magiging masaya na ako. Nangarap akong magkakotse upang mapuntahan ko ang mga lugar na dati ay abot tanaw ko lang. Sumakay din ako ng eroplano at nag-travel sa ibang bansa. Pero pagkatapos ng lahat ay malungkot pa rin ako, hanggang matagpuan ko ang sarili ko sa simbahan. Ang homily ng pari ay tumatak sa isipan ko. Ang sabi n’ya, hindi mo na dapat hanapin ang kaligayahan kung saan saan dahil ang kaligayahan ay nasa tabi mo lang. Sapat na ang mapangiti mo ang iyong katabi dahil kapag napangiti mo ’yan, mapangingiti ka rin. Salamat Lord, natagpuan ko ang simpleng kaligayahan sa tahanan N’yo. Amen. (Belinda Bonagua)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.