Noy lilitisin sa ‘Mamasapano’

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Jessica B. Pag-iwayan Contributor

MAGBIGAY-PUGAY sa kabayanihan ng mga gurong humuhubog sa kabataan ng susunod na henerasyon, ito ang layunin ng PLDT-Smart Foundation sa pagtatatag ng Gabay Guro.

Isang tauanng pagdiriwang tuwing Buwan ng mga Guro ang Gabay Guro, kung saan nagtitipon-tipon ang mga guro sa isang araw na puno ng kasiyahan.

“Our nation’s children depend on our teachers to lead them to a brighter future. As we celebrate

teachers’ month, Gabay Guro pays trib- ute to those who shape the next generation of the nationbuilders to be the best they can be,” pahayag ni Gabay Guro Chair Chaye Cabal-Revilla.

Sa ilalim ng temang “A decade of dedication, A lifetime of gratitude,” ipagdiriwang ang ika-10 taong pagkakatatag ng Gabay Guro sa Set. 17, sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Inaasahang 20,000 guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang lalahok dito.

Malalaking pangalan mula sa entertainment industry ang magsasama-sama upang magbigay kasiyahan sa kaguruan.

Ilan sa mga kilalang bituin na magtatanghal sa Set. 17 ay sina Lea Salonga, Regine Velasquez, Gary V, Ogie Alcasid, Celeste Legaspi, Basil Valdez at Sarah Geronimo.

Bukod pa rito, ay magkakaroon din ng raffle kung saan ilang maswerteng guro ang mananalo ng house and lot, bagong sasakyan, gadgets at salapi.

Ayon sa pamunuan ng Gabay Guro, ang Department of Education (DepEd) at ang kanilang mga Local Government Unit (LGU) partners ang pumipili kung sino ang mabibigyan ng ticket upang makadalo sa naturang palatuntunan.

Simula nang mailunsad ang Gabay Guro noong 2007, nakapagtala na ito ng mahigit 1,000 iskolar, 155 na ang nakapagtapos, kung saan 67 ay umani pa ng Latin honors.

Ngayong taon, nais ng pamunuan ng Gabay Guro na makapagbigay pa ng hindi bababa sa limang scholarship grant sa bawat lalawigan upang madagdagan pa ang bilang ng kanilang mga iskolar.

Isa rin sa kanilang mga programa ay ang pagbibigay ng libreng pagsasanay at seminar lalo na sa mga gurong nagtuturo sa mga malalayong lugar.

Ilan sa mga seminars na kanilang inilalaan ay English Proficiency training, computer literacy, leadership training at IT sustainability and literacy seminar.

Sa kanilang pagiikot sa bansa, nabatid ng mga kasapi ng Gabay Guro na minsan ay hindi sapat ang kinikita ng mga guro upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Kaya naman nakipagsanib pwersa sila sa 51talk, isang online English Tutorial service, upang makapagbigay ng extra income opportunities sa mahigit 2,000 uro sa bansa.

Bagama’t marami na silang nailatag na programa sa kasalukuyan, patuloy pang pinag-aaralan ng PLDTSmart Foundation kung paano pa mapapalawig ang kanilang mga programa para sa mga sa mga susunod na mga taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.