Alden balik drama sa pagsariwa sa pasakit ng batas militar sa PH

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Inquirer Bandera

MAGKASAMANG mapapanood ang mga aktor na sina Alden Richards at Rocco Nacino sa espesyal na pagtatanghal ng GMA News and Public Affairs na Alaala: A Martial Law Special na mapapanood sa SNBO sa Set. 17 ng gabi.

Gagampanan ng “Pambansang Bae” ang papel ni Bonifacio “Boni” Ilagan, dating aktibista at Palanca awardee, habang si Rocco naman ang gaganap sa papel ng premyadong manunulat na si Pete Lacaba.

Kapwa biktima sina Boni at Pete ng kalupitan ng batas militar noong panahon ng rehimen ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos.

Sa ulat ng 24 Oras sa GMA 7, sinabing matutunghayan ang mapait na naranasan ng mga naging biktima ng batas militar na ipinatupad sa Pilipinas noong 1972.

Ayon kay Boni, hindi niya malilimutan ang bangungot ng batas militar kaya sa tulong ng manunulat na si Pete, nais nila itong ilahad upang maipaalala sa mga kabataan ang nangyari noon.

“The youth must known our history and must learn the lesson of history,” ani Boni. “Papaano natin huhusgahan, ia-appreciate yung mga nangyayari ngayon kung wala tayong reference sa ating nakaraan.”

Ayon kay Alden, labis siyang nagandahan sa proyekto dahil sa istorya nito.

Pahayag naman ni Rocco, “Hindi biro ’ yong role dahil totoong tao ’ tong ipo-portray namin. And it’s a very very sensitive topic. I’m really honored na pinili ako ng GMA na gampanan ’ tong role na ito.”

BInahagi nina Alden at Roccco na mayroon silang ginawang paghahanda ng damdamin at isipan para sa ilang eksena ng torture na kinunan para sa palatuntunan.

Makakasama nina Alden at Rocco sa naturang proyekto sina Gina Alajar at Bianca Umali.

Samantala, ibinahagi naman ni Alden na ipinagmamalaki niya ang paglabas niya sa isang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko. Ngayon lang daw kasi siya lalabas sa programang pambata ng GMA-7.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.