Walang dala: Jones hinubaran ng titulo

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

LOS ANGELES— Tinanggalan ng Ultimate Fighting Championship sa ikatlong pagkakataon ng titulong light heavyweight si Jon Jones matapos bumagsak sa ‘‘doping test.’’

Dahil dito ay bumalik bilang hari ng kategoryang 205 libra si Daniel Cormier.

Inihayag ng pinakasikat na grupo ng mixed martial arts desisyon Miyerkules matapos baguhin ng California State Athletic Commission ang desisyon sa panalo ni Jones kay Cormier na no- contest. Ginawa sa Anaheim, California ang bakbakan noong Hulyo 29.

Nawala kay Cormier ang championship belt matapos siyang pabagsakin ni Jones sa UFC 214. Inihayag ng USADA na nilabag ni Jones ang kautusan ng UFC matapos ang ikalawang positibong resulta.

Tuluyang sinabi ng komisyon na no-contest ang laban matapos makitaan ng pinagbabawal na steroid na turinabol ang ‘‘backup sample’’ ni Jones.

Tanging si Jones ( 22- 1) ang mandirigmang nagpatikim ng talo kay Cormier ( 19- 1) na hawak ng dalawang taon ang titulo.

Nahaharap ang 30- taon gulang na si Jones ng apat taon suspensyon bagamat sinabi ng kanyang kampo na iaapela nila ang resulta. Ayon sa kanyang kampo, naging positibo si Jones dahil sa hindi malinis na nutrisyon.

Mahaba ang kasaysayan ni Jones sa kalokohan kabilang ang pagmamaheno ng lasing at paggamit ng cocaine. Noong 2015 ay tinanggalan siya ng titulo dahil sabit siya sa isang hitand-run.

Matapos ang ilang buwan ay bumalik sa octagon si Jones na kinuha ang titulo dahil may injury si Cormier. Ngunit noong 2016 ay muling tinanggalan ng korona si Jones sapag kat umayaw siya sa rematch kontra Cormier matapos bumagsak sa pre-fight doping test.

AP

PALPAK DAHIL sa muling positibo sa droga, tinanggalan ng UFC ng titulo bilang kampeon ng light heavyweight si Jones. Makikita si Jones na sinisipa ang karibal na si Daniel Cormier sa kanilang bakbakan noong UFC 182 sa Las Vegas. Binalik ng UFC ang titulo kay Cormier matapos ideklara na no-contest ang laban na napanalunan ni Jones sa pamamagitan ng knockout.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.