Manila 10th stressful sa mundo

Inquirer Libre - - NEWS - Jhoanna Ballaran

ISA ang Maynila sa pinakastressful na lungsod sa mundo, mas malala pa sa sadlak sa digmaang Damascus sa Syria, ayon sa isang pagsusuri ng isang kumpanyang Europeo.

Nasa ika- 10 puwesto ang kabisera ng Pilipinas sa 2017 Global Least and Most Stressful Cities Ranking ng Zipjet, isang app-based laundry and dry cleaning service provider sa London, Berlin at Paris.

Nakakuha ang Maynila ng markang 8.92 mula sa 10 puntos, kung saan 10 ang pinakastressful, naungusan ang 8.66 ng Damascus.

Nanguna ang Baghdad sa Iraq na may perfect 10, habang pangalawa ang Kabul sa Afghanistan na may 9.98.

Pinakamababa ang Stuttgart sa Alemanya na may iskor na 1.

Sinabi ni Zipjet managing director Florian Färber na tumataas ang mga suliranin sa kalusugan ng pag-iisip sa buong mundo at stress ang “trigger and contributing factor.”

Tinukoy ang pahayag ni Farber ng ulat ng Zipjet, na tinampok din ng Lonely Planet at CNN Travel.

Sinasabing ang 3-taong-gulang na kumpanya ang nangungunang on-demand laundry and dry cleaning service provider sa Europa, tumutulong na maibsan ang mga makabagong stress ng mga abalang mamamayan sa pamamagitan ng pag- ako sa “hassle” ng paglalaba.

Sinabi ng Zipjet na nagsuri ito sa 500 lugar, sinukat ang mga salik na makaaapekto sa antas ng stress ng indibidwal tulad ng unemployment, debt per capita, traffic, public transportation, security, pollution, density, maging kalusugan ng pag- iisip at katawan. Batay sa mga salik na ito, sinukat nito ang 150 na mga lungsod sa buong mundo.

Sa 9.76 puntos, tabla ang Maynila at Paris sa ikalimang puwesto bilang pinakasiksikang lungsod sa buong mundo. Panglima rin ang Maynila sa least secure na lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.