Paulit-ulit

Inquirer Libre - - FEATURES - Emily A. Marcelo emarcelo@inquirer.com.ph Magpadala ng email sa emarcelo@inquirer.com. ph o sa emarcelo629@gmail.com

DEAR Emily,

Nagpilit mag-OFW and asawa ko para daw guminhawa ang pam i lya namin.

Mahina ang kita ko bilang taxi driver at apat ang anak namin na lahat ay nag-aaral pa.

Pero isang taon pa lang siya abroad at sumama na siya sa amo niya.

Matapos ang dalawang taon, nagkarelasyon din ako. Dalawa ang naging anak ko dito.

Nang malaunan, dahil pa rin sa kakulangan ng panggastos, sumama siya sa kapatid niyang mag-OFW care giver.

Ganoon na naman ang nangyari sa akin nang sumama ang partner ko sa kanyang amo.

Parang tinalikuran na niya kami ng dalawang anak niya.

Ngayon ang dalawang pin akamatanda kong ana kn a babae na nasa high school pa lang ay parehong nabuntis.

Nadagdagan ang aking pasanin dahil bukod sa walang trabaho ang mga naging lalaki nila, sunod sunod pa ang pagbubuntis nila. Parusa ba ito?

Rogel PARA ngang tukso ang naging kapalaran mo. Pero bukod sa pamemera, wala ka namang binanggit na nagkakasakit sa inyo.

Isang biyaya na ’ yon na walang labas-masok sa inyo sa ospital dahil sa sakit.

Kailangang pan gar alan mo an gm ga anak mong mga nabuntis. Kung kaya nilang magsunod-sunod ng anak, siguro naman ay kaya nilang buhayin din ang mga ito.

Nakikita naman nil a ang hirap mong itawid ang buong pamilya sa gutom at dito lang ay dapat nakakatulong na sila.

Lutuin mo sa pangaral ang mga isip ng mga bata mo pang anak dahil tiyak na kulang sila sa kalinga ng isang ina.

Hubugin mo ang mga isip nilang gumawa ng mabuti lagi. Ito lang ang paraang matigil na ang para mong walang swerteng buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.