Lagim sa Las Vegas: ’Di bababa sa 50 katao patay sa pamamaril

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

LOS Angeles—Isang gunman ang namaril kung saan 50 tao ang namatay at 200 ang sugatan Linggo sa mga nanonood ng konsyerto ng country music sa Las Vegas strip, ayon sa mga pulis.

Ang gunman, ayon sa mga pulis, ay lokal na residente, ay napatay matapos itong makipag“engage” sa mga pulis na tumugon sa ulat ng barilan mula sa ika-32 palapag ng Mandalay Bay, isang hotel-casino na katabi lamang kung saan ginaganap ang konsyerto.

Kinilala ng mga awtoridad ang gunman na si Stephen Paddock na residente ng Las Vegas.

Nagsigawan at lumikas ang mga nanonood sa takot sa sunod-sunod na putok ng baril makalipas ang alas-10 ng gabi, nakita ang mga pangyayari sa video na kuha ng smartphone.

“We have in excess of 100plus injured and excess of 20plus that have died at this point,” wika ni Las Vegas Metro Police Sheriff Joseph Lombardo sa maagang press conference.

“This is an ongoing investigation, but we are comfortable that the primary aggressor in this event is—has expired or passed away, and is no longer a threat,” wika niya.

Sinabi ni Lombardo na magisang namaril ang gunman at wala itong kaugnayan sa anumang militanteng grupo.

“We have no idea what his belief system was,” wika niya. “Right now, we believe he was the sole aggressor and the scene is static.”

Natagpuan na rin ng mga pulis ang 62-taong-gulang na si Mariloy Danley, na pinaghahanap bilang person of interest sa pangyayari.

Hindi nagbigay ng detalye si Lombardo kung tinuturing na suspek si Danley ngunit nilarawan bilang “associate.”

AFP

KALUNOS-LUNOS. Nagkukumahog ang mga mamamayan sa pagligtas ng mga kapwa at pagdampot ng mga nasawi sa Route 91 Harvest Country Music Festival sa Las Vegas, Nevada, makaraang magpaputok doon ng isang salarin sa panig ng Mandalay Bay Resort and Casino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.