Istorya ko na makapanindig-balahibo

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Stories collected by Klariza Gabrido, Djan Magbanua

Nagising ako ng madaling araw dahil may kumakatok sa bintana ko. Papalapit pa lang ako sa bintana, kinilabutan na ako. Naalala ko nasa ika-10 palapag pala ako. Abiegail Aliño, 20, writer

Ang lambing mo naman lo, lagi mo na lang akong niyayakap. Magpakita ka naman. Klariza Abbygale Gabrido, 20, student

Abala ako sa pagtipa sa aking laptop nang marinig ko ang sunodsunod na pag-click ng camera ko na nakalapag sa kama ko. Nilapitan ko ito; napagtanto ko tinanggalan ko pala ito ng battery.

Lyrmyr Roxas, 21, student

Di ko makita ang flashlight nang mag brown out. Mukha mo lang na natatakpan ng buhok at mata ang nagsilbing liwanag sa bintana ng banyo ng gabing iyon. Nikki Enrado, 21, out of school youth

Malalim na ang gabi, umiiyak pa rin si bes. Limang gabi na niya akong iniiyakan; limang gabi simula nang magpakamatay siya dahil kay boyfriend. Unknown

Ginising ako ni nanay dahil male-late na raw ako sa trabaho. Bumalikwas ako sa aking higaan, nag-ayos, nagbihis. Teka, limang taon nang patay si nanay dahil sa cancer. Unknown

Sinunod ni Eric ang nabasa niyang horoscope sa isang dyaryo (hindi LIBRE) na ang lucky color daw niya ay pula. Ano kaya ang nasa isip niya nang masagasaan siya ng pulang kotse habang siya’y patawid ng kalsada? Unknown

Dumating sa bahay na umiiyak ang anak ko galing sa abroad. Agad niyang inilatag ang tangang diyaryo sa hapag-kainan para basahin, at laking gulat ko nang makita ko ang litrato't pangalan ko sa obitwaryo. Dood Bro

Ewan ko ba kung bakit gabi-gabi na lang ay nakikita ko si miss, sa iisang puwesto sa bagon ng mga babae ng LRT; na palaging yun ang suot na damit, at iisang ekspresyon ng mukha - malungkot. Lagi siyang bumaba sa isang istasyon na tanaw ang malawak na libingan. At sasara ang pinto ng tren kasabay ang halimuyak ng bulaklak at kandila. Tish Arlan, 30, Caloocan City

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.