BLUMENTRITT STATION

P500: Lakwatsa before and after visit sa dead

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Djan Magbanua @inquirer_libre

ON your way ka na ba to the Manila North Cemetery to visit your beloved departed ones? Siyempre ang hirap kayang makisabay sa dagsa ng tao bukas or sa mismong November 1.

And while you're on your way to the cemetery, for sure iniisip mo na rin kung anong pwedeng gawin before and after the visit sa budget na P500. Yes, we know na kakasuweldo lang at medyo malaman pa ang wallet, pero we want something for you to try on na tipid na ay masarap pa.

1 Jonas' Restaurant

561Mayon cor. Lourdes, Quezon City Affordable at maraming choices, 'yan ang offering ng Jona's na known for its super-sarap na pares. From P150 to P200, you can have your lunch or dinner in this resto na siyang nagpasikat ng pares. Aside from the famous pares, may mami at seafood na pwedeng pamilian.

Meron din silang cafe sa loob. Sa halagang P45 you can have a cup of brewed coffee na pwedeng partneran ng pastries. Must try ang kanilang beef pares with shanghai fried rice. Gastos: P150 (beef pares with shanghai fried rice)

2 Polland

670 Mayon, Quezon City Kung merienda lang ang hanap, e 'di i-try na ang authentic hopia brought to you by Polland. Sa halagang P45, meron ka ng small pack ng hopia (5 pieces), samahan mo na rin ng kape na kaparehas lang din ng halaga. Prices of hopia vary from P45 to P100. Bukod sa hopia, meron din silang cold cuts na siopao at siomai at iba pang paboritong meryenda. Perfect na pambaon sa loob ng sementeryo. Gastos: P90 (1 box 5-piece hopia and brewed coffee)

3 NS Amoranto Park

NS Amoranto cor Mayon, Quezon City Minsan kailangan maghintayan para sabay-sabay na makadalaw sa kamag-anak na yumao na. And while you need to wait for someone, this is the right place for you. May mga upuan sila, munting playground para hindi mabagot ang mga bagets na kasama. Safe din naman ang lugar dahil ilang kembot lang ito from La Loma Police Station. Ang maganda pa ay LIBRE kang tumambay rito. Gastos: P0

4 Billybon Burger

Mayon cor Sta. Catalina, Quezon City Another merienda to look forward to kung nasa gilid-gilid ka lang ng Manila North Cemetery ay itong Billybon burger na open 24 hours. It opened last July, pero may following na rin. Hindi ka titipirin sa patty, lettuce, cucumber and tomatoes. Pwedeng palagyan ng cheese, eggs at bacon, pero for extra cost din. Fun fact: Pinangalan ang Billybon sa dalawang anak ng mayari na si Billy at Bonita. Gastos: P103 (burger with cheese and softdrinks)

5 Pares Mami House

443 NS Amoranto Ave., Quezon City When in Retiro or near Blumentritt, hindi dapat palagpasin ito. For ages, marami na ang binusog sa sarap nitong Pares Mami House na sinasabi ring siyang "original" na pinagmulan ng pares.

Hindi lamang pares o mami ang kanilang offering dahil makakabili ka rin ng mga rice meals na nasa P100-P150. Gastos: P60 (chicken mami)

6 Iba pang must try: Lugawan ni Bro

(across Billybon burger) Mayon Street cor Sta. Catalina, Quezon City Isa pang 24 hours na sa tapat lamang ng Billybon Burger ay ang maliit na Lugawan Ni Bro. Mainly lugaw lang ang kanilang offer. Subukin n’yo na lang hamunin ang kanilang slogan na: Dahil hindi natutulog ang sarap.

7 Tien Ma

(across Pares Mami House)

Authentic Taiwanese restaurant na malapit lang sa Pares Mami House. Medyo pricey pero pwedeng isingit sa budget mong P500. Nasa P200 pataas ang kanilang meals gaya ng mga noodles, rice meals like Stir Fried Pork with Onion, Lucky Spareribs Adobo, Salt & Pepper Spareribs, Eggplant with special sauce, Mapu Tofu at marami pang iba.

8 Ping-Ping's Lechon

14 A. Bonifacio Ave, La Loma, Quezon City Hindi kumpleto ang pagbisita sa La Loma, Blumetritt o kahit Retiro kung hindi sisilip o titikim man lang ng lechon. Aside from PingPing’s, ang dami pang ibang lechonan na pwedeng pamilian sa lechon district. Nariyan din ang Lydia's, Mila's, Elars at marami pang iba.

9 Ukay-ukay sa Blumentritt

Tutal naririyan ka na rin naman sa area, why not experience the fun of making pili ng mga used clothes in good condition. Patience is a virtue dapat ang motto mo kung susugod sa lugar na ito, and you must know the art of haggling para sa mas murang ukay finds.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.