Co-worker mo, robot?

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - ALAN TANJUSAY

NAPAKARAMING kahulugan ang artificial intelligence sa iba’t ibang sektor. Sa hanay ng labor, tinatawag ito na “Industrilization 4.0”, I4, o ang ika-apat na wave ng industrialization na pag-computerized sa lahat ng bagay at aktibidad.

Ang tinutukoy ko rito na artificial intelligence ay ang automation at computerization na karaniwang ginagawa ng tao.

Dati-rati napakarami ng mga bill collector—naghahatid at nangongolekta ng mga bills sa mga kabahayan. Pero iilan na lang sila ngayon. Isa-isa silang nawala dahil computer na ang naniningil ng ating mga bayarin.

Isang hanay pa lang yan ng mga mangagagawa, ha? Napakarami pang uri ng trabaho ang nalusaw dahil sa artificial intelligence.

Ngayon, ito ang mainit na pinag-uusapan ng gobyerno, labor groups at mga negosyante. Pilit na sinasama nila sa pag-uusap ang mga kumpanya na may kinalaman sa computer, pero deadma.

Ang prime interest ng pamahalaan sa usapin ay kung paano kikita sa pamamagitan ng buwis at paano ito kokontrolin para di magdulot ng ka-guluhan sa bansa. Sa panig ng mga negosyante, ang iniisip nila ay kung paano pa mapapalaki ang negosyo gamit ang artificial intelligence.

Sa hanay ng working force, iniisip nila ay kung may trabaho at kabuhayan pang naghihintay sa kanila sa sandaling ma-invade ng mga artificial intelligence o robot ang kanilang mga tanggapan.

So far, nabuo sa pag-uusap ng labor, government at mga negosyante ang paghanda ng kanilang hanay kabilang na ang TESDA sa re-skilling, re-training, at reequipping ng mga skills, knowledge at talent ng mga maapektuhang manggagawa sa bagong trabaho na malilikha ng artificial intelligence phenomenon.

Pero naalarma ang mga manggagawang nasa banking, call center at business process outsourcing sectors sa paglawak ng artificial intelligence. Mahigit sa dalawang milyong manggagawa ang nasa sector na ito ang nangangamba ngayon na baka mawalan sila ng trabaho dahil sa artificial intelligence. Ikaw, ready ka na bang makatrabaho ang isang robot?

May isyu ba kayo sa trabaho? Pwedeng magtanong dito sa Working Force, i-text ang pangalan, edad, at mensahe sa 09156414963.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.