MMDA BET CARPOOL SA EDSA

Inquirer Libre - - NEWS -

ng Metropolitan Manila Development Authority ( MMDA) ang carpooling scheme bilang solusyon sa palalang-palalang problema ng trapik sa bansa partikular sa kahabaan ng Efipanio de los Santos Avenue (Edsa).

Sa ilalim ng panukala, tanging ang mga sasakyang may sakay na tatlo o mas maraming pasahero lang ang papayagang makabiyahe sa Edsa at ie-exempt sa number coding scheme. Papayagan pa rin ang dalawang sakay, bagamat magiging sakop na ito ng num- ber coding.

Tiniyak naman ng MMDA na hindi ito agad-agad na ipatutupad dahil idadaan pa ito sa masusing pag-aaral.

Kasabay nito, tiniyak rin ng ahensiya na hindi ito ipatutupad ngayong Christmas season.

Duda naman ang Land Transportation Francising and Regulatory Board (LTFRB) sa panukala dahil posibleng magresulta ito ng pagdami ng kolorum na sasakyan.

Hindi rin ito nakikitang long term solution ng University of the Philippines Plan- ning and Development Research Foundation.

Nagbabala rin ang urban planner na si Primitivo Cal na posibleng magaya ang Pilipinas sa Indonesia na nagpatupad ng carpooling noong 2003 sa tangkang solusyunan ang problema ng trapiko ngunit nagresulta pa ito ng mas maraming problema.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.