SPORTS BITS

Inquirer Libre - - SPORTS -

Nakaligtas sa road accident ang Le Tour de Filipinas at Southeast Asian Games champion na si Mark Galedo nang mabunggo ng humaharurot na jeep sa Aurora Boulevard sa Maynila. Nagtamo siya ng mga galos at gasgas.

Inanunsyo ni Barangay Ginebra star Jayjay Helterbrand ang pagreretiro sa PBA matapos ang 17 seasons.

Pumirma sina 2017 PBA Rookie Draft first at second overall pick Christian Standhardinger at Kiefer Ravena ng maximum rookie contracts para sa San Miguel at NLEX.

Iminumungkahi ni 2019 Manila SEAG chef de mission Monsour del Rosario na magsagawa ng pocket tournaments at test event upang masiguro ang kahandaan ng mga gagamiting pasilidad.

Tatangkain nina Pinay cue artists Rubilen Amit at Chezka Centeno na maiuwi ang 2017 World 9-Ball Championships crown sa China na magtatapos sa Nobyembre 11.

Si Thai coach Anusorn 'Tai' Bundit pa rin ang hahawak sa Ateneo women's volleyball team sa kabila ng mga ugong-ugong na aalis na siya sa Lady Eagles.

Nakakuha ng matibay na suporta ang Philippine Sports Commission mula sa United States Sports Academy upang palakasin ang grassroots programs sa bansa.

Tatargetin ni 2016 Rio Games silver medalist Hidilyn Diaz na maging unang Pinoy na magkwalipika sa Olympics ng apat na sunod na beses sa pagsabak sa International Weightlifting Federation 2017 Weightlifting World Championship sa USA.

Sinungkit ng Centro Escolar University ang seventh straight championship sa Women's National Collegiate Athletic Association senior basketball division.

Nagwagi ng tatlong gintong medalya sa Asian Cup Senior Weightlifting Championships sa South Korea ang dating Philippine National Youth GamesBatang Pinoy bet na si Ellen Rose Perez..

Mananatiling PBA commissioner si Chito Narvasa sa kabila ng panawagan ng pitong koponan (TNT, Phoenix, NLEX, Meralco, Blackwater, Alaska at Rain or Shine) na patalsikin siya sa puwesto kasunod ng kontrobersyal na trade sa pagitan ng Kia at San Miguel na kinasangkutan ni Christian Standhardinger kapalit nina Ronald Tubid, Jay-R Reyes, Rashawn McCarthy at future draft pick.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.