Bantayan ‘blood money’ natin sa SSS

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - May isyu ba kayo sa trabaho? Pwedeng magtanong dito sa Working Force, itext ang pangalan, edad, at mensahe sa 09156414963. ALAN TANJUSAY

HINDI maaalis na mangamba tayong mga ordinaryong miyembro ng Social Security System dahil sa bagong kontrobersya na kinakaharap ng ilang opisyal ng SSS na gumamit umano ng pondo ng ahensiya para sa kanilang interest.

At dahil "blood money" natin ang nasa ilalim at gitna ng kontrobersyang ito, kayat umalma ang malalaking labor group at people’s organizations laban sa management ng SSS nang sumabog ito sa media.

Kailangang paigtingin pa natin ang pagbabantaysa imbestigasyon tungkol sa isyung ito at i- monitor ang mga ginagawa ng mga SSS commissioners at SSS management executives baka kasi makurakot ang pera natin o kaya ay mawaldas ang pinaghirapan nating contribution.

In the past few days, humirit ang SSS commission at SSS management ng dagdag na monthly premium para lumago ang pera at para ma- tustusan ang dagdag na pension na inaprubahan kamakailan para sa mga retired workforce. In fact, nagsagawa sila ng dialogue sa isang labor group para makakuha ng suporta.

Ngunit sinabi ng naturang labor group sa SSS na dapat magsagawa muna ng internal reforms ang SSS commission at management baka may makukuha pang pera kung magsagawa ng reporma.

At tsaka na maningil sa mga miyembro ng dagdag na monthly premium payment.

Una, pilitin na mag- update o kaya ay idemanda ang mga delinquent employers na hindi nag re- remit ng monthly contributions ng mga manggagawa nila.

Ikalawa, bawasan ang mga excessive perks and bonuses ng mga commissioners at executives nito.

Ikatlo, bawasan ang mga unnecessary foreign trips o mga junkets sa ibang bansa.

At ika- apat, maging tama ang investments. Baka nga mas maliit o kaya ay hindi na kailangan ng dagdag na contribution kung maisakatuparan muna ang mga internal reforms na ito.

Pero dahil sa panibagong controversy na ito, baka madelay ang planong dagdag na contribution. Kung kaya’t importante na maging credible at transparent ang ginagawang imbestigasyon.

Pero mas importante na kailangang bantayan natingmaigi ang pangyayaring ito dahil sangkot dito ang perang katas ng ating dugo’t pawis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.