Red Lions vs Stags: Rivalry renewed/

Labanan para sa huling finals seat

Inquirer Libre - - NEWS - Ni Dennis Christian O. Hilanga

Sa nakalipas na dekada, isa sa mga pinakaaabangang sagupaan sa NCAA men’s basketball ang classic rivalry ng San Sebastian at San Beda.

Bukas ay muling magkakasubukan ang dalawang koponang nanggagaling sa University Belt para manatiling buhay sa inaasam na kampeonato ng Season 93.

Pag-aagawan ng kapwa mabangis na Stags at Red Lions ang natitirang finals berth sa huling knockout stepladder semifinals match para sa karapatang harapin ang top seed Lyceum Pirates na awtomatikong umabante sa finals matapos walisin ang elimination round, 18-0.

Hawak ng San Beda ang 20-8 win-loss record kontra sa San Sebastian simula 2008.

Ngayong season ay dalawang beses pinaluhod ng defending champions ang Stags, una sa opening game noong Hulyo, 76-67 na sinundan ng 76- 65 paggupo sa secound round noong Setyembre.

Ngunit hindi ito nangangahulugan na maging kumpiyansa ang Mendiola-based cagers dahil sa ipinakitang ‘never say die’ spirit ng Rectobased dribblers sa nagdaang tatlong krusyal na laro. Dumaan sa butas ng karayom, unang tinambakan ng San Sebastian ang Perpetual, 80-60,upang makuha ang pinakamataas na quotient matapos ang three-way tie sa fourth place kasalo ang Letran at Arellano. Sinundan ito ng pagpapataob ng Stags sa Knights, 74-69, para selyuhan ang huling Final Four slot bago impresibong sinimulan ang stepladder semifinals sa pagpigil sa pagsabog ng third-seed JRU Heavy Bombers, 85-73.

Galing naman sa 105-107 pagkatalo sa kamay ng Pirates sa huling laro ng elimiation round ang San Beda na tinapos ang elims na may 16-2 kartada.

Magsisilbing motibasyon ng Red Lions ang pagkatalong iyon para maiplanong maigi ang taktikang ilulunsad laban sa opensiba ng umaalagwang

Stags.

Gagamiting bentahe din ng Red Lions ang mahigit dalawang linggong pahinga bilang pantapat sa momentum ng karibal.

Matapos na magtala ng career-high 36 puntos kontra Knights, mas mabigat na responsibilidad ang nakaatang sa balikat ni Michael Calisaan para buhatin ang Stags na hangad muling makapasok sa finals na huli nilang narating noong Season 87.

Aasahan rin ni coach Egay Macaraya sina Ryan Costelo, Regille Ilagan, Lorenzo Navarro, at Allyn Bulanadi na muling mag step up para sa Stags.

Sasandalan naman ni coach Boyet Fernandez na umaasang maidepensa ang titulo ang malalim na lineup ng Lions sa pangunguna nina Robert Bolick, Javee Mocon, Donald Tankoua, Clint Doliguez at PBA-bound Davon

Potts.

"Ang maganda sa amin ngayon, everybody is stepping up." — San Sebastian coach Egay Macaraya matapos patalsikin ng Stags ang Heavy Bombers sa stepladder playoffs.

Michael Calisaan

MULING pangungunahan ni Robert Bolick ang San Beda.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.