Coco: Ang Panday ng millennials

Inquirer Libre - - NEWS - Ni Alex Brosas @inquirer_libre

pa ba ang Panday, ang Pinoy superhero na pinasikat ni Fernando Poe Jr. noong 1980s?

Ask any millennial at sigurado na blank stare lang ang isasagot sa iyo.

Kaya siguro Coco Martin felt the need to develop a gaming app para sa reboot ng Ang Panday, na entry niya sa Metro Manila Film Festival.

“May gusto talaga akong gawin. Sabi ko talaga, gusto ko makilala ng mga bata kung sino si Panday kasi lalong-lalo na ang mga five year olds ngayon, ‘yung mga bata hindi nila alam kung sino si Panday kasi ang kahuli-hulihang nagPanday ay si Bong Revilla,” ani Coco sa launch ng app.

Aside from Panday, there are other Pinoy superheroes na puwedeng maging inspiration ng mga kabataan.

“Siyempre, this time ‘yung generation iba na ang kilala nila, e. Ang kilala nila ay sina Thor. Sabi ko, kaya rin natin ‘yan, e. Meron din tayong superhero na maipagmamalaki, sina Captain Barbell, sina Darna. And then sabi ko, why not simulan natin dito. At sa paanong pamamaraan ‘yon? Simulan natin sa mga games kasi ‘yung mga bata nakatutok sa social media o sa mga cellphone, e. Kaya ayun ito ang ginagawa natin,” he said.

COCO Martin

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.