Guess who?

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT -

HINDI

mestiza ang isang award-winning actress at hindi rin siya palaayos kaya akala ng marami ay hindi siya malinis sa katawan. The truth is marami rin pala itong ipinapahid na moisturizers, lotions, at creams para pampaputi at pampakinis ng kanyang skin. Banidosa si aktres pero hindi lang talaga halata dahil simple itong manamit at walang hilig sa porma. Wala rin daw hilig ang hitad sa mga branded clothes and shoes. Keber daw niya sa brand basta comfy siya. According to people close to her, mas gusto raw ni actress na ipunin ang pinagpaguran niya for her future imbes na gastusin sa luho. In fact, nakapagpatayo na ng bahay ang aktres para sa kanyang family from her earnings mula pa noong magsimula siya sa showbiz.

MARAMI

ang natawa at may ilan ding nagtaka nang makita nila ang porma ng hunk actor habang nakababad sa isang bar. Walang costume party sa bar dahil malayo-layo pa noon ang Halloween kaya center of attention ang aktor sa kanyang cowboy get-up. Donned in cowboy hat, boots, denims and plaid shirt, dedma si aktor kahit marami ang nakatingin sa kanya habang abala siya sa pagtungga. Sey nga ng mga observers ay kulang na lang daw ay kabayo at lasso at kumpleto na ang Western-inspired trip ng aktor. Baka raw wala itong masyadong magawa dahil diet na diet sa mga movie at TV projects kaya inaaliw na lang niya ang kanyang sarili.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.