Friends lang, wala nang tayo

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

KUNG sila ang tatanunginmo sa kanilang #specialskill, their answer probably would be: Kaya naming maging friends sa mga ex-spouses/lovers namin.

Here are three celebrity couples who have remained friends after magsama for years, magkaanak at magkahiwalay. How civilized.

Jodi Sta. Maria, Pampi Lacson

Bagamat sa una’y naging mapait ang paghihiwalay ng dating mag-asawa na nauwi pa sa word war sa pagitan nina Jodi at Iwa Moto na GF ni Pampi, chummy-chummy na ngayon ang tatlo. Nagpost pa si Jodi ng litrato kung saan magkakasamasila at kani-kanilang mga anak. Kasama siyempre ang boyfriend ngayon niya na si Jolo Revilla.

Jennylyn Mercado, Patrick Garcia

Bitter din ang breakup nina Jen at Patrick. Nadamay at nakisawsaw pa ang kung sino-sino kaya lalong gumulo ang sitwasyon. But that's all water under the bridge dahil magkaibigan na ang mga exes pati na rin ang kani-kanilang respective jowas na sina Nikka at Dennis Trillo.

Ogie Alcasid, Michelle van Eimeren

Ikinasal sina Ogie at ang dating beauty queen noong 1995 which produced two gorgeous young ladies named Leila at Sarah. Fast foward to 2017: BFFs na sina Ogie, misis niyang si Regine Velasquez at si Michelle.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.