Lions, Pirates bakbakan sa NCAA finals/

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - — Dennis Christian Hilanga

SISIMULAN ng defending champion San Beda Red Lions at top seed Lyceum Pirates ang kanilang NCAA Season 93 men's basketball best-of-three finals showdown ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Tatargetin ng Lions na nasa kanilang 12th straight finals appearance na maidepensa ang titulo habang tatangkain ng Pirates na maisuot ang unang korona buhat ng opisyal na sumali sa liga noong 2011.

Sasambulat ang Game 1 sa ganap 3:30 ng hapon kasunod ng 1:00 ng hapon na bakbakan ng Malayan Red Robins at La Salle Greenies sa Game 1 ng juniors division finals.

Gagamiting inspirasyon ng Topex Robinson- mentored squad Pirates ang kanilang 18- 0 sweep at ang dalawang beses na pagpapadapa sa Mendiolabased cagers sa elimination round.

Sasakyan naman ng Lions ni coach Boyet Fernandez ang kanilang momentum matapos ang impresibong pagwawagi kontra karibal na San Sebastian sa do- or- die stepladder semifinals nitong Martes.

INQUIRER

WHO WILL DRAW FIRST BLOOD? Ibubuhos ng San Beda at Lyceum ang lahat ng makakaya upang makuha ang panalo sa Game 1 ng NCAA best-of-three finals tungo sa inaasam na kampeonato sa Season 93. Muling bibitbitin ni CJ Perez (kaliwa) ang Pirates habang huhugot ng bangis ang Lions sa mga role players tulad ni Franz Abuda (gitna).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.