MRT3, LRT 2: Cubao Station

P600 budget for two hanggang saan makararating?

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Djan Magbanua @inquirer_libre

Type mo bang mag food trip sa dis-oras ng gabi while you are near MRT and LRT Cubao stations? Me and my friend Joe just had our budget food trip near Cubao station. Ang to my surprise, hindi naman kami nabigo. Sa budget na P600 para na sa aming dalawa, what can I say, kundi busog-sarap!

1 TaNeng's JP Rizal Ave, Proj. 4

Kainan ni Tita Neng (ang pangalan ng may-ari) or TaNeng’s in short is known tambayan o kainan ng mga night shifters from nearby call centers, Grab, Uber and taxi drivers alike, na open 24 hours. Must try ang Crispy liempo sinigang and Bicol express na both are under P75. The food looks more appetizing dahil naka-serve sa mga maliliit na kawali at kaldero.

Bicol express P75 + Sinigang 75+ 2 rice P30 = P180

2 K-12 o Kainan sa 12th. 12th street cor P. Tuazon, Cubao

Silog overload here at super affordable dito sa K12 or Kainan sa 12th. Best seller dito ang Liempo silog at Liempo timplado na nagkakahalaga mula P75 hanggang P90. Dito raw ang takbuhan ng marami pag dumadating na ang “petsa de peligro” o mga araw na hapit na ang bulsa sa budget.

Liempo timplado + Lechon kawali + rice + softdrink = P166

3 Cafe Maria Jerica 14th Avenue, Cubao

Mas kilala bilang Jerica's, dito mo mahahanap ang masarap na, mura pang pizza, pasta and burger. Ang 12-inch pizza ay may presyo na P90 to P160 only! If you are going here for pizza, huwag paabot ng 3 a.m. dahil sa ganitong mga oras ay naglilinis sila ng oven kaya di na available ang pizza. We tried its Cheddar buffalo wings, Bolognese pasta.

Cheddar buffalo wings P150 + Bolognese pasta P90 =P240

4 Pares Retiro P. Tuazon Avenue

Nais ko sanang subukan ang piso lugaw na dating ino-offer ng Pares Retiro, pero di na ito available.! Nakipag-chikahan na lang kami with the staff over brewed coffee. Naitanong namin sa Pares Retiro kung ano ang kaibahan nila sa sikat na Paresan sa kalye ng Retiro. Anila, ang kanila ay mainly paresan lamang habang yung isa ay Mami House. Mura ang kanilang menu na nagkakahalaga ng P80 hanggang P160. Gastos: 2 cups of brewed coffee = P50

Other must try places:

5 Original Partners Pares and Mami House 20th Avenue, Project 4, Cubao

Paresan and mami house na swak sa bulsa. Bukod sa classic na pares, present din ang Gambas, Sisig at Pancit.

6 Taggo Bar and Grill P. Tuazon Blvd., Cubao

Gustong mag-relax after a busy day sa office? Try mo this na nasa loob lang ng Pares Retiro, na kanilang ka-partner. Taggo bar and grill does not only offer grilled food but also pizza. Pair it with beer na P325 lang per bucket.

7 Jeepney Grill 24 P. Tuazon, Cubao

Grilled food galore ang meron sa Jeepney Grill. Must try ang kanilang Bagnet meal.

8 Chill Top Bar 17th Avenue, P. Tuazon Blvd.

Gustong maghappy-happy with matching view of the city at night? Subukan sa Chill Top bar na isang resto bar sa isang high rise building. A budget of P500 for two ay pwede na!

9 Joey's 14th Avenue, Cubao (near Jerica's)

Sa pagbisita mo sa Jerica's makikita mo ang Joey's na isang silogan. Wag kang magtaka kung makita mong nagdadala ng pagkain ang mga taga Jerica's sa mga kumakain sa Joey's kasi mag-kamag anak ang may-ari nito.

TOTAL EXPENSES P636

Bicol Express TaNeng’s

Liempo timplado Kainan sa 12th

Cheddar buffalo wings Cafe Maria Jerica

Mami Original Partners Pares and Mami House

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.