Guess who?

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT -

ONE time ay nag-comedy bar ang mga members ng isang production after ng taping. Naabutan nila roon ang isang aktres na na-introduce na isang pelikula years ago pero starlet pa rin ang status. Chumika-chika raw sa kanila ang aktres at dahil kilala naman nila at nakatrabaho na isinama na nila sa table. Naloka na lang daw ang production staff nang biglang na-shoot ang kamay ni aktres sa bag ng isang sikat na manager, na tumayo lang para may kausapin sa kabilang table. Pag-angat daw ng kamay ng aktres ay naka-magnet na rito ang bagong cellphone ng manager. Ang mas ikinaloka ng mga witnesses ay binaklas ng aktres ang cellphone para matanggal ang sim card sa ilalim lang mismo ng table nila. Nang papatakas na ang hitad ay hinarang ito ng isa pang aktres na pinagsumbungan ng staff. Sa takot na ipakulong ay walang nagawa ang makating kamay na celeb kundi isuka ang ninakaw ng cellphone. Ang kwento ay hindi iyon ang unang pagnanakaw ng aktres. Siya rin ang suspek sa pagkawala ng Louis Vuitton na wallet ng isa pang kostumer ng bar. Kaya ngayon ay ingat na ingat ang mga katrabaho ng aktres dahil kalat na kalat na sa bawat sulok ng showbiz ang pagiging klepto niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.