MRT OPERATIONS: TO SUSPEND OR NOT TO SUSPEND

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

HATIang marami, kabilang na ang mga MRT commuters at mga opisyal ng gobyerno sa posibilidad na pagsuspinde ng operasyon ng MRT3 dahil sa walang humpay na aberyang dinaranas nito araw-araw.

Una nang iminungkahi ni Senador Grace Poe na suspindehin muna ang operasyon ng MRT hanggang tuluyang masoslusyunan ang mga problemang teknikal nito, at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Maging ang Department of Transportation ay ikinokonsidera na rin ang pansamantalang pagtigil ng operasyon.

Matagal na umanong pinaplano ng departamento ang suspensyon ngunit nangangamba sa kung saan sasakay ang 630,000 pasahero ng MRT arawaraw.

Sa ginawang survey ng Libre sa Twitter @inquirer_libre sa kung payag ba sila sa suepensyon ng MRT operation, 559 ang sumagot, at 63 percent ang payag rito.

May ilang sumagot na gusto sana nilang i-suspend ang operation ngunit nangangamba kung ano ang sasakyan ng mga riders nito. Takot naman ang iba na magdudulot lang ito ng mas matinding trapiko sa Edsa. Ikaw, ano ang opinyon mo rito bilang MRT commuter? Mag text sa 0915 641 4963.

INQUIRER

Ginawang isang malaking laruan ng bisitang bagets ang mga makukulay na Chinese lanterns sa Binondo, Maynila,

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.