16 Petmalu stations OVER THE YEARS

Inquirer Libre - - FRONT PAGE -

1 Central

Dahil dito nagsimula ang lahat ng istasyon, siya ang itinuturing na sentro o mukha ng LRT. Para siyang Grand Central Terminal ng New York City nang una itong buksan noong 1984.

2 Monumento

Paano hindi ituturing na petmalu sa dami ng mga commuter na nanggagaling mula sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela) sa araw-araw. Sinasabing gateway ng mga pasahero mula sa northern part ng Metro Manila patungo sa Western at southern part ng kamaynilaan.

3 Carriedo

Petmalung maituturing ang istasyong ito hindi lang tuwing Enero kapag Pista ng Itim na Nazareno kundi tuwing Biyernes dahil dinadagsa ng mga deboto ang Quaipo church na ilang metro lang ang layo mula sa istasyon.

4 Baclaran

Kung Biyernes malupet ang Carriedo, petmalu naman ang Baclaran Station every Wednesday dahil Baclaran Day, kung saan dinarayo ng mga debotong Katoliko ang Redemptorist Church.

5 R. Papa

Yung mga bumababa at sumasakay mula sa istasyong ito ay pihadong hindi tututol sa pagiging petmalu ng R.Papa Station tuwing may malakas na bagyo o kahit mga pag-ulan lang dahil sa tindi ng baha rito na umaabot minsan nang lagpas tao ang lalim.

6 Bambang

It all started here. Bago pa sumikat ang mga ukay-ukay sa kung saan-saang parte ng bansa, rito sa Bambang nagsimula ang lahat. Dito rin ang takbuhan ng mga medical student at mga may kailangan ng medical supplies dahil sa nakapalibot ang maraming medical supply stores.

7 Ortigas

Ang istasyon na ito ay saksi sa bawat rally sa Edsa, mula sa People Power Edsa 2 na nagpalayas kay dating Pangulong Estrada. Istasyon din ito ng mga OFWs dahil naririyan ang tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

8 Cubao

Hindi patatalo ang Cubao station sa lupet nito sa dami ng taong sumasakay at bumaba rito. Gateway kasi rin ito ng mga tao mula sa Eastern part ng Metro Manila o sila na galing sa Marikina, Pasig at Rizal.

9 North Avenue

Kung palupitan lang sa haba ng pila ng mga pasahero na nag-aabang para makasakay ng tren, wala nang pinaka petmalu na dadaig dito sa North Avenue station tuwing rush hour. Magkabila ang pila nito. May pila sa south bound, may pila sa northbound na.

10 Legarda station

Istasyon ng mga mag-aaral mula sa university belt. Ang tren ng LRT 2 ang nagsisilbing kanilang school service, kasama ang mga raliyista matapos ang mayat mayang demonstrasyon sa Mendiola.

11 Ayala

Istasyon ng mga office workers ng Makati at ng mga gustong magshopping at mamasyal dahil sa dikit-dikit ang mga shopping malls dito samahan pa ng mga art galleries and museums. At sino ba naman ang hindi makakalimot sa Valentine's Day bombing noong 2005. The bombing happened inside a bus under the MRT station killing 11 people and wounding several others. Petmalu the incident di ba?

12 Blumentritt

Petmalu sa amoy pag bukas ng pinto ng tren. It's given, isa sa pinakamalaking palengke sa Maynila kaya ang nasa ilalim nito, kaya huwag nang magtaka pa. Isang petmalung pangyayari rin ang hindi makakalimutan dito nang maganap ang Rizal Day bombing noong December 30, 2000 na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.

13 Gilmore

Dito ang takbuhan ng mga tao na gustong makabili ng murang computer or computer parts at iba pang gadgets.

14 Doroteo

Petmalu dahil sa ganda ng bagong image nito dahil kakarenovate lang nito noong Pebrero. Petmalu rin ang mga lugar na nakapalibot dito gaya na a lang ng Manila city jail at Fabella Hospital na sinasabing paanakang-bayan.

15 V. Mapa station

Bongga ito tuwing Valentine's Day sa dami ng mga motel na nakapalibot dito na pinupuntahan ng mga magsing-irog. Sabi nga ng ilan, V. Mapa is known as "lovers' lane" pag V (Mapa) Day.

The whole stretch of MRT Do we need say more? Alam na. Petmalung petmalu!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.