16 rising studentathletes ng PH sports

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - Ni Dennis Christian O. Hilanga

Sabi ni Dr.Jose Rizal, ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan. Kung sa sports ang paguusapan, tama ang pambansang bayani sa kanyang tinuran dahil na rin sa ipinamamalas na husay at galing ng mga young athletes para makamit ang kanilang #goals sa eskwela at sports. Ngayong ika-16 na anibersaryo ng LIBRE, kilalanin ang 16 na promising at rising student-athletes na namamayagpag sa kani-kanilang larangan.

1. KOBE PARAS (Basketball)

Maraming mata ang nakatutok sa magiging career ng 20-anyos na anak ng PBA legend na si Benjie lalo na at lumipat siya ng Cal State Northridge sa US NCAA upang pag-ibayuhin ang basketball career. Siguradong future na rin ng national team ang 6foot-6 swingman matapos tapikin ni Gilas head coach Chot Reyes para sa 2017 Jones Cup at Kuala Lumpur SEA Games kung saan nasungkit ng bansa ang gold medal. Ilang beses na rin niyang inirepresenta ang Pilipinas sa U18 at U16 international tournaments.

2. JANELLE MAE FRAYNA (Chess)

Naging unang Woman Grand Master ng bansa sa edad na 20 sa World Chess Olympiad noong isang taon, hindi na maawat ang pag-usad ng piyesa ng tagumpay para sa Far Eastern University standout. Noong 2013 ay nakuha niya ang titulong Woman FIDE Master at matapos ang isang taon ay nalikom niya ang sapat na puntos para kilalaning Woman International Master. Kasalukyang hawak ng Psychology major ang FIDE rating na 2320 at kung magtutuloy-tuloy ang kagila-gilalas na performance ay hindi malabong marating niya ang estado nina Chess greats Eugene Torre at Wesley So.

3. MARCK JESUS ESPEJO (Volleyball)

Walang duda na ang 6foot-3 hitter ang haligi ng Blue Eagles. Ang 20anyos ang nasa manibela upang angkinin ng Ateneo ang 3-peat sa Season 79. Sa tulong ni Espejo, pinalawig ng Blue Eagles sa 30-0 ang kanilang kartada simula pa noong Season 78. Nasungkit ng tinaguriang ‘God’s gift to Ateneo’ ang kanyang ikaapat na sunod na season MVP trophy simula sa kanyang rookie year noong Season 76. Kinilala rin siya bilang Best Spiker sa ikatlong sunod na beses at Best Scorer sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taong paglalaro.

4. NICOLE OLIVA (Swimming)

Kasalukuyang namamayagpag bilang number one sa Under 18 at 16-18 Age Group habang pangatlo sa Seniors Ranking ng bansa taglay ang 792 FINA points ang 16-anyos na Californiaborn tanker. Matapos magdesisyon na lumangoy para sa Pilipinas, agad na nagpakitang gilas ang Grade 10 student sa 2017 PhilSwim National Long Course Swimming Championships sa Trace Aquatic Center Laguna noong Hunyo matapos ang seven gold medal romp sa pitong event na sinalihan. Nagwagi siya sa 100m, 200m, 400m, 800m freestyle at 50, 100 at 200m backstroke. Hawak din ni Oliva ang Senior Philippine National Swimming record na 04:17.58 sa 400m freestyle at Junior Philippine National Swimming records na 02:02.07 (200m freestyle), 04:17.58 (400m freestyle) at 08:56.74 (800m freestyle). Lahat ng ito ay kanyang itinala sa Indianapolis Arena Pro Swim Series sa USA noong Marso 2 na qualifying meet upang makapasok sa Budapest World Swimming Championships nitong Hulyo na sinundan ng Kuala Lumpur SEA Games stint sa sumunod na buwan.

5. RICCI RIVERO (Basketball)

Ang athletic prowess at high leaping ability ang asset ng 19year old sophomore guard kaya hindi na nakagugulat na maging major weapon ng Green Archers sa UAAP Season 80. Umiskor ng 21 puntos ang La Salle sensation kontra Ateneo upang pigilan ang karibal na ma-sweep ang elimination bukod pa ito sa mahigpit na depensang ipinakita upang limitahan ang Blue Eagles sa huling dalawang minuto ng laro. Naging bahagi rin ang 6-foot-1 na dating NCAA Juniors MVP ng Batang Gilas team at FIBA U18 3x3 squad noong 2015.

6. MARY JOY BARON (Volleyball)

Pinatunayan ng 5-foot-11 middle blocker na isa siya sa mga matitikas na defensive players sa UAAP. Isang patunay ay ang pagkapanalo niya bilang Best Blocker sa Season 78. Dahil sa matutulis na opensa at mala-pader na depensa, binitbit ni Baron ang DLSU Lady Spikers tungo sa ika-10 korona noong Season 79 at tinanghal pang season Most Valuable Player . Ngayong darating na Season 80 ay inaasahan muling babanderahan ni Baron ang La Salle na hangad na maiuwi ang ikatlong sunod na titulo. Kasalukuyang nasa kampo siya ng F2 Logistics sa Philippine Super Liga.

7. CJ PEREZ (Basketball)

'Baby Beast.' Iyan ang taguri sa hardworking forward ng Pirates dahil sa pagkakahawig ng laro niya sa PBA star na si Calvin Abueva. Mula sa pagiging cellar dweller ng Pirates sa nakalipas na pitong season, pinamunuan lang naman ni Perez ang Lyceum sa historic 18-0 sweep ng NCAA Season 93 elimination round dahilan upang masungkit niya ang Most Valuable Player Award. Siguradong may lugar na siya sa PBA after his college career.

8. TARA BORLAIN (Triathlon/ Track and Field)

Isang three-time Ironkids champion ang 14-year old wonder na ito mula sa St.Paul Pasig kaya hindi malayong maging next track star siya ng bansa. Bakit hindi? Nakuha lang naman ng Grade 9 student ang atensyon ni Philipppine sprint legend Elma Muros-Posadas sa 2017 Batang Pinoy qualifying leg sa Vigan City matapos magwagi sa girls 13-15 800m kung saan niya itinala ang bagong record na 2:15.49 segundo. Nagwagi rin siya sa 1500 at 3000m runs. Sinabi ni Muros-Posadas- na ngayon ay talent scout ng Philippine Sports Commission- na kinakailangan lang ng maayos na training at sapat na suporta ni Borlain para maisakatuparan ang magandang kinabukasang naghihintay sa kaniya.

9. FERDINAND 'THIRDY' RAVENA III (Basketball)

Nasa dugo na ang pagiging achiever ng 20-year old guard dahil ang kanyang ama na si Bong ay dating PBA player habang ang kuyang si Kiefer ay sasabak na rin sa pro league sa susunod na buwan. Siya ang nagsisilbing buhay ng Blue Eagles sa UAAP Season 80 at ang ipinamamalas na husay sa loob ng hardcourt ang dahilan kung bakit muling naku ng Ateneo ang number one spot at twice-to-beat advantage. Kinilala si Ravena bilang Season 76 Juniors MVP at mythical team member noong nakaraang taon. Malakas na contender rin siya para sa MVP honors ngayong season.

10. SARAH JOY BARREDO (Badminton)

Ang 17-year old smasher na ito ang No.1 badminton player sa bansa ngayon. Sumabak siya sa kauna-uhang stint sa Southeast Asian Games nitong Agosto kung saan umabot siya hanggang quarterfinals. Si Barredo na ngayon ay senior high school sa Philippine Women's University-Jiose Abad Santos Memorial School ay inaalok na rin ng mga prominenteng unibersidad tulad ng NU, Ateneo at La Salle dahil sa ipinakitang husay sa sport.

11. ROBERT BOLICK (Basketball)

Ang Beda pagiging lider ng 6-foot-1 San guard ang isa sa mga susi upang masungkit ng Red Lions ang kampeonato sa NCAA Season 92 at 93. Mula La Salle ay lumipat siya ng San Beda at dito ay unti-unting gumawa ng pangalan sa collegiate ranks. Dahil sa offensive presence at mental toughness sa loob ng hardcourt, tinanghal siyang 2017 PBA D-League Aspirants Cup MVP matapos igiya ang Cignal sa kampeonato.

12. ALYJA DAPHNE 'JAJA' SANTIAGO (Volleyball)

Walang duda na ang 6foot-5 middle blocker ang isa sa sa mga promising volleyball stars sa bansa. Ang 21-anyos rin ang ace player ng National University. Bagaman hindi pa tiyak kung maglalaro pa sa kanyang ikalimang taon para sa Lady Bulldogs, siguradong malayo ang mararating ni Santiago ngayon at naglalaro na rin siya sa PSL. Kasapi rin siya ng national team. Noong UAAP Season 79 ay kinilala siyang Best Attacker, Best Scorer at Best Blocker.

13. PAUL DESIDERIO (Basketball)

Kinapos man ang Universtiy of the Philippines na makapasok sa Final 4 ng UAAP Season 80, pinatunayan ng 6foot-1 guard na kaya niyang bitbitin ang Fighting Maroons na makipagsabayan sa mas malalakas na koponan sa liga. Bilang 'King Maroon', tinulungan ng 20-year old Cebuano gunner ang UP na tumapos ng may 6-8 win-loss record- ang pinakamagandang pagtatapos ng UP sa nakalipas na dekada. Kung anuman ang maging karera ni Desiderio matapos ang makinang na collegiate career ay tiyak na may patutunguhan siya.

14. KIM KIANNA DY (Volleyball)

Isa ang 5foot-11 hitter sa mga susi sa back-toback championship ng La Salle sa UAAP Season 78 at 79 kung saan naging Finals MVP pa sa una. Miyembro rin ng national team ang 22-year old former Juniors MVP at kasalukuyang naglalaro para sa F2 Logistics kasama si Baron sa PSL. Siya ang leading scorer ng Lady Archers sa nakalipas na season at ang opensibang ito ang tiyak gagamiting advantage ng koponan upang mapanatili ang korona sa Taft sa ikatlong sunod na taon. 15. ERNEST JOHN OBIENA (Track and Field- Pole Vault) Maraming beses ng binigyang karangalan ng 21-anyos mula University of Sto. Tomas ang bansa sa paglahok sa mga international competitons at mag-uwi ng mga medalya mula rito. Hawak ni Obiena ang national record na 5.5 meters na kanyang nagawa noong April 29, 2016 habang kalahok sa 78th Singapore Open Championships. Siya ang naging unang Pilipino na biniyayaan ng scholarship ng International Association of Athletics Federation (IAAF).

16. ANNA CLARICE PATRIMONIO (Lawn Tennis)

Ang 23anyos na anak ni PBA great Alvin Patrimonio ang ikaapat na Pinay na nagwagi ng silver medal sa Southeast Asian Games. Pinamunuan niya rin ang National University upang sungkitin ang ikaapat na sunod na titulo sa UAAP women's tennis tournament noong Season 79 kung saan kinilala rin siyang MVP. Noong 2014-15 season ay napanalunan rin ng Hotel and Restaurant Management student ang nasabing award. May record si Patrimonio na 26-15 win-loss record sa prestihiyosong international competition na Fed Cup at may dalawang International Tennis Federation juniors' single title. Ngayong Season 80 ay tatangkain ni Patrimonio na idepensa ang titulo ng Bulldogs para makuha ang 5-peat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.