On time ba ang SSS contribution mo?

Inquirer Libre - - INFOTAINMENT - ALAN TANJUSAY

MAAARING mag-claim ng insurance sa Employment Compensation Commission ( ECC) ng gobyerno ang mga manggagawang naaksidente habang papasok o pauwi mula sa trabaho.

Basta updated ang bayad mo sa Social Security System at ikaw ay on the way at hindi out of the way on the to or from work, pwede!

Ibig sabihin kailangan na nagre-remit ka ng SSS monthly contribution. Hindi ka dapat lasing o galing sa inuman nang maganap ang aksidente.

Ang ECC ay itinatag para tulungan pansamatala ang mga manggagawang naaksidente sa trabaho, para makatawid habang nagre-recover mula sa sakit o injury.

Gaya na lang ng babaeng naputulan ng braso sa MRT nang mahulog siya sa riles at nasagasaan ng tren.

Nakiusap ang pamilya na huwag nang ibulgar ang pangalan at huwag nang ipakita ang kanyang mukha sa me- dia.

Sigurado ako na makatatanggap ng insurance ang biktima mula sa insurance company ng pamunuan ng MRT. At maari rin siyang mag-claim compensation mula sa ECC basta updated ang SSS contribution niya at papasok sa trabaho o galing sa trabaho.

Kung siya ay inutusan na maghatid ng dokumento o kaya ay umatend sa official meeting at naganap ang insidente, mas malinaw na maari siyang mag-claim.

Masaklap ang aksidente na nangyari sa isang babaeng nagtatrabaho sa microchip company kamakailan. Nakaduty siya nang maipit ang kanyang mga dailiri ng makina dahilan para maputol ang mga ito at madurog.

Sinubukan niyang magclaim ng insurance sa ECC pero napag-alaman na hindi pala nagre-remit ng SSS contribution ang kanyang employer.

Ang masaklap nito nagastos na niya ang kanyang savings para sa pagpapagamot, napilitan na siyang magsampa ng kaso sa SSS laban sa kanyang employer.

Walang masama kung paminsan-minsan maglambing sa finance department at tingnan kung updated ang monthly contribution ninyo sa SSS.

I-monitor ang SSS monthly contributions ninyo! ***

May issue ka ba sa employer mo o sa anumang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa iyong trabaho? Email us @ librepamore@gmail.com

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.