Wanted: Next Asian MMA superstar

Inquirer Libre - - SPORTS -

NAGLUNSAD ang premyadong mixed martial arts promotion sa Asya na ONE Championship ng documentary series na layong hanapin ang susunod na fighting star ng rehiyon. Magpupunta si former multi-time middleweight champion at ngayo'y ONE vice president Rich Franklin sa mga gym sa iba't ibang siyudad tulad ng Bangkok, Manila, Seou, Tokyo at Beijing upang hanapin ang mga rising MMA talents. “One of our biggest missions is taking martial arts, Asia’s greatest cultural treasure, and placing it front and center for the entire world to witness,” sabi ni ONE Chairman at CEO Chatri Sityodtong. “We are excited to travel across Asia, visiting the most iconic cities, to discover the next big superstar.” Ang mga mapipiling fighters ay magtutuos sa mga trial exhibitions at may pagkakataong magkamit ng six-figure contract. Ang Pinoy na si Eduard Folayang ang isa sa mga ipinagmamalaking produkto ng ONE Championship.—

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.