Keri mo maging hero by Working Force

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - May issue ka ba sa employer mo o sa anumang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa iyong trabaho? Email us @ librepamore@gmail.com ALAN TANJUSAY

We salute the heroism of Dr. Charleanne Jandic, PO2 Danilo Agustin Jr., PO1 Ramil Almano, and the nameless security guards and employees of Ayala station who helped and saved the victim from the worst situation due to a serious incident at the MRT station last November 14.

Kagaya mo, sila ay mga ordinaryong manggagawa — medical intern, police, security guards and MRT employees. But they rose up to the moment—walang teka-teka— and gave their humanity for the victim, for her to live and survive. Wow hugot!

Pero bayani ka rin naman, friend. Ikaw, yeah, you are a hero!

Let me count the ways. Bayani ka dahil ginagawa mo ang lahat, nagtatrabaho ka para sa pamilya mo. Bayani ka matapos mong tu- lungan si nanay na tumawid kanina. Bayani ka matapos mong ibigay ang iyong upuan kina ate, kay senior citizen at kay person with disability.

Bayani ka matapos mong tulungang buhatin ang mga plastic bag ni tatay. Bayani ka matapos kang mag-give way sa co-passenger mo. Bayani ka dahil yung takeout mo ay simpleng iniabot sa pulubi. Bayani ka matapos mong isoli sa may-ari ang wallet na napulot mo.

Hindi na kailangang magsuot ng superhero costume para gumawa ng kabutihan sa kapwa at maging bayani.

Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging mabuti at matulungin. Hindi na kailangan ibroadcast o i-record sa cellphone video at i-post sa Facebook o Instagram para mapansin at kilalanin ang kabutihang ginawa mo.

Gaya nang sinabi ni lodi Charleanne, kahit sino naman daw na nasa ganoong sitwasyon ay gagawin din kung ano ang tama. Petmalu!

Indeed, there are strange situations that we are called to do our part in order to help others. Just like Charleanne, keri mo maging hero kahit walang costume!

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.