China Girl

Inquirer Libre - - ENTERTAINMENT -

May Chinese version ng "Ikaw" si Yeng Constantino kaya ito ang naisip niyang isa sa mga dahilan kung bakit siya napili na magperform sa first ever Fil-Chi star concert dubbed “Nice To Meet you” early next year.

“‘Yung kanta kong 'Ikaw' ay may Mandarin lyrics. Ginawa po ang lyrics sa Singapore. Nirecord ko rin. My boss po sa Academy of Rock, Chinese de- scendant po siya, e. Pinagawa niya ang 'Ikaw' in Mandarin kasi marami siyang connections sa mga songwriters.

“I think ‘yun din po ang one of the reasons kaya napili ako for this event. Kasi po meron akong isang Chinese song,” she added.

Kasama ni Yeng si Kim Chiu at ilang Chinese performers na sina G.E.M., Della Wu, Chief (Chao Chuan) and Da Zhuang sa concert na produced by Philippine Dragon Media Network (PDMN).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.