Working Force: Problema sa tax refund

Inquirer Libre - - FRONT PAGE - ALAN TANJUSAY

GOOD morning po. Ako po si Albert, isang empleyado ng hotel. Ask ko lang po, ano po ba ang sistema ng tax refund? Kasi po ang nakalagay sa status ko sa tax ay "Z" po. Meron po akong asawa’t anak, pero hindi po kami kasal ng partner ko. Ilang percent po kaya ng tax refund ang makukuha ko? Sa loob po ng isang buwan, halos P9,000 plus po ang tax na nakukuha sa akin (ito ay bago pa magkaroon ng TRAIN law). Salamat po. Albert

Magandang araw sa iyo, Albert. Kasalukuyang pinag-aaralan ang tax refund para sa mga minimum wage earners na nakaltasan ng withholding tax noong 2009 hanggang 2016. Complicated na kasi ang records ng mga employer at BIR offices. Hindi malaman ng BIR kung ano ang gagawin. Utos kasi ng Supreme Court na i-refund o isoli thru tax credit. Hintay-hintay muna tayo sa kung anong magiging ruling dito ng korte.

Ako po si Jose, 48 years old. Matagal na po ako sa trabaho ko pero wala sa minimum wage ang sahod ko. Ano po kaya ang pwede kong gawin? Magandang araw, Jose. Pwede kang mag-file ng complaint sa Department of Labor and Employment (DOLE) regional office dahil sa hindi pagbabayad sa iyo ng minimum wage. Bawal yan.

Ako po si Roy Mendoza, 29 years old. Yung backpay po sa pinagtatrabahuhan, gaano po katagal bago mairelease?

Magandang araw sa iyo,

Roy.

Kausapin mo ang inyong employer o ang inyong HR. Sa pamamagitan ng pakikipagusap o sulat, malalaman mo kung paano at kung kailan ito maire-release. Kapag walang nangyari, mabuting lumapit na sa DOLE regional office at magsampa ng reklamo para idemand ng DOLE ang iyong employer na bayaran ka.

Good morning po. Ako po si Adrian Parco, 38 years old. Isa po akong gas welder na worker ng isang contractor and subcontractor ng kompanyang SYSTECH INC. Kulang three years na rin po akong nagwo-work sa project ng Six Senses na malapit s MOA at taon-taon ni wala po kaming natatanggap na bonus o 13th month pay. Kadalasan grocery na naglalaman ng P300 hanggang P500 lang. Wala rin po kaming mga benepisyo. Hindi naman kami makapagreklamo dahil wala kaming papel na pinirmahan at nasa minimum ang sahod namin. Ano po ba ang dapat naming gawin? Salamat po. Ang daming labor violation ng employer mo, Adrian. Ang 13th month pay ay dapat ibinibigay, equivalent ito ng isang buwang sahod. Ang grocery ay Christmnas bonus at hindi 13th month pay. Pwede kayong magsampa ng reklamo sa DOLE. Marami na kasing violation ang employer mo.

May problema sa trabaho, ahensiya ng gobyerno? I-text ang pangalan, edad at mensahe sa 09156414963

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.